Isang puting paniki ang nakita sa San Remegio, Kaputian, Samal, Davao del Norte

Isang puting paniki ang nakita sa San Remegio, Kaputian, Samal, Davao del Norte

- Isang puting paniki ang namataan sa San Remegio, Kaputian, Samal, Davao del Norte

- Ayon sa DENR XI, wala pang sightings ng puti o "albino" na paniki sa rehiyon

- Bihira sa mga paniki ang magkaroon ng ganitong kulay at kadalasan ay hindi nagtatagal ang buhay ng albino na paniki

- Kasalukuyang iniimbestigahan na nila ang nasabing sightings ng puting paniki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang albino o puting paniki ang namataan kamakailan sa San Remigio, Island Garden City of Samal (Igacos), Davao del Norte.

Sa isang Facebook post nitong February 16, ibinahagi ng netizen na si Didi Gigi Senajonan ang litrato ng puting paniki na nakabitin sa isang puno. Agad itong nag viral at umani ng mga reaksiyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Samal Island ay pinamumugaran ng mga paniki. Sa katunayan, dito matatagpuan ang Monfort Bat Cave Sanctuary na tinaguriang world’s largest colony of Geoffrey’s rousette fruit bats.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Albino siguro, kasi isang species ng paniki lang ang kulay puti yung hunduran white bat tas makikita lang sa Costa Rica
Ate wag nyo po sana saktan.hehe ang cute nya tawag po kau sa animal welfare para i rescue ung paniki
Ang cute niya tingnan! Sana mapangalagaan siya kasi baka may magka interes at hulihin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Gayunpaman, ayon sa founder ng Monfort Bat Cave and Conservation Foundation, Inc. na si Norma “Bat Mama” Monfort, ibang specie ng paniki ang namantaan sa San Remigio.

“Very rare ang albino and very fragile usually they die earlier pero ang akin matagal na,” ani Monfort sa isang ulat ng Sunstar Davao.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo? Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel