Vlogger na si Emman Nimedez, emosyonal na ibinahagi ang pagkakaroon ng leukemia

Vlogger na si Emman Nimedez, emosyonal na ibinahagi ang pagkakaroon ng leukemia

- Ibinahagi ng vlogger na si Emman Nimedez ang kanyang kinakaharap na laban matapos siyang ma-diagnose na may leukemia

- Kasabay nito, pinasalamatan niya ang lahat ng sumubaybay at sumuporta sa kanya sa kanyang paggawa ng YouTube videos

- Ibinahagi niya rin ang unboxing niya ng kanyang YouTube Gold Play Button na natanggap niya bago pa siya dinala sa ospital

- Hindi niya napigilang maging emosyonal nang makita niya ang kanyang Gold Play Button

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng vlogger/Online personality na si Emman Nimedez ang kinakaharap na laban matapos siyang ma-diagnose ng acute myeloid leukemia.

Sa kanyang YouTube video na ibinahagi, pinasalamatan niya ang kanyang mga followers sa suportang kanyang natanggap.

"Kasabay ng paghataw ko dito sa internet eh yung madalas na pagka-admit ko sa ospital, dahil sa iba't ibang bagay naman," pagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos niyang lagnatin, inakala nilang tinamaan na siya ng COVID-19 pero napag-alaman nilang ibang karamdaman ang dumapo sa kanya.

"So 'yun hinanap nila at na-track nga nila na nasa bone marrow siya. So noong kinuhanan ng samples 'yung bone marrow ko, ayun lumabas kahapon sa results na mayroon akong acute myeloid leukemia. Mayroon akong cancer," pagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Bukod sa pagbabalik-tanaw, ibinahagi niya rin sa kanyang mga viewers ang kanyang natanggap na YouTube Gold Play Button.

Matatandaang sumikat si Nimedez matapos mag-viral ang kanyang mga parody videos ng mga Koreanovela OST noong 2017.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo? Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel