China at lima pang bansa, balik lockdown sa muling pagtaas ng bilang ng may COVID-19

China at lima pang bansa, balik lockdown sa muling pagtaas ng bilang ng may COVID-19

- Balik lockdown ang ilang bahagi ng China matapos na may maitala muling bilang ng may COVID-19

- Ngunit kumpara ng naunang pamamaraan nila ng lockdown noong Enero, inoobserbahan nila ito kasama na rin ang pagsasagawa ng mass testing

- Ang ibang bansa naman ay naghihigpit lamang sa mga distrito nilang may mataas na bilang ng COVID-19

- Sa Pilipinas, kasalukuyan nang modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at pito pang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umugong ang balitang balik lockdown ang ilang bansa kabilang na ang China dahil sa pagkakaroon na naman ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar doon.

Nalaman ng KAMI na anim na pasyente mula Wuhan, China ang naitalang mayroong COVID-19 dahilan para muling sarhan ang lugar kung saan unang umusbong ang naturang virus.

Ayon sa Express UK, kinatatakutang ito ay maging sanhi ng second wave ng paglaganap ng virus sa lugar kaya minabuti nila itong apulahan sa pamamagitan ng lockdown.

Dagdag pa ng Wuhan-based journalist na si Zhang Zhan ng Radio Free Asia, napag-alaman niyang nasa 180 na ang kasalukuyang pasyente na naka-isolate.

Maging ang mga delivery drivers ay hindi na rin muna pinapayagang makapag-deliver sa Sanyanqiao residential compound na nasa Wuhan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nabanggit din na isang 89-anyos na lalaki at asawa nito gayundin ang apat pang residente ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Nagsasagawa na ng mass testing sa ilang bahagi ng China.

Samantala, maging ang lima pang bansa na minsan nang naalis sa lockdown ay muli na namang nag-anunsyo ng pagsasara ng ilang lugar sa kanila sa muling pagkakaroon ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Business Insider, kabilang sa mga bansang ito ang Germany, South Korea, Lebanon, Iran at Saudi Arabia na nagdeklara muli ng lockdown mula noong pangalawang linggo ng Mayo.

Tulad ng China, nagdesisyon na rin silang agad na mag-lockdown upang maiwasan ang paglaganap muli ng virus sa maraming tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dito sa Pilipinas, nasa modified enhanced community quarantine na ang Metro Manila kabilang na rin ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Angeles City at Laguna.

Samantala, nanatiling nasa enhanced community quarantine pa rin ang Cebu City at Mandaue City dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients sa kanilang lugar.

Enero 31 nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING |

Source: Kami.com.ph

Online view pixel