Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, nagdiwang ng kanilang ika-5 wedding anniversary

Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, nagdiwang ng kanilang ika-5 wedding anniversary

- Nagdiwang ng kanilang ika-5 wedding anniversary ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli

- Ito ay sa gitna ng home quarantine na ipinapatupad upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

- Ibinahagi ni Isabel ang litrato na kuha mula sa mismong araw ng kanilang kasal

- Nagbahagi din ng maiksing pagbati ang aktor/direktor sa kanyang maybahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdiwang ng kanilang ika-limang taon bilang mag-asawa sina John Prats at Isabel Oli sa gitna ng ipinapatupad na home quarantine. Wala mang engrandeng selebrasyon, hindi kinaligtaan ng mag-asawa na batiin ang isa't-isa sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

“Still can’t believe I married my crush. 5 years, baby!!! Love you,” ani Isabel sa Instagram kasabay ng pagbahagi ng litrato na kuha sa mismong araw ng kasal nila.

Ibinahagi naman ni John ang isang litrato ni Isabel at nagbahagi ng isang maiksing pagbati, "Happy 5 my LOVE.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal ang mag-asawa noong May 16, 2015 sa Batangas. Naging magkarelasyon sila ng mahigit sa dalawang taon bago ikinasal.

Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Feather and Freedom. kamakailan ay ibinahagi ng mag-asawa na nagdadalang tao si Isabel sa kanilang ika-tatlong anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Isabel Oli ay isang modelo, at aktres. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye ng Kapuso network. Si John Prats ay naging bahagi ng Ang TV at ilang youth oriented shows ng ABS-CBN kagaya ng G-Mik at Berks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel