9-anyos na batang may COVID-19, dinaan sa emosyonal na kanta ang pagkawalay sa pamilya

9-anyos na batang may COVID-19, dinaan sa emosyonal na kanta ang pagkawalay sa pamilya

- Idinaan na lamang ng isang batang COVID-19 patient ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagkanta

- Sa video makikitang tagos sa puso ang awitin ng bata na pansamantalang nakahiwalay sa kanyang pamilya

- Sadyang nakakaluha ang awitin ng batang may lyrics na animo'y namamaalam

- Maraming netizens ang ang nagnanais na gumaling ang bata dahil sadyang doble ang hirap kung ang bata ang tinamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang siyam na taong gulang na batang may COVID-19 dahil sa kanyang awitin na talaga namang tumagos sa puso ng marami.

Binahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bata mula Cebu City na mag-isa lamang sa kanyang kama.

Dahil siya ay tinamaan ng virus, kasalukuyan siyang nakahiwalay sa kanyang pamilya upang maiwasang makahawa pa ito.

Dala ng kanyang saloobin sa pinagdaraanang karamdaman, dinaan na lamang niya niya ito sa pagkanta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang kapansin-pansin dito ay ang lyrics ng awit na “Kung darating ang sandali na ako’y kukunin na, pupunta ako sa Iyong kaharian.”

Hindi raw maiwasan ng mga netizens na maluha sa awitin ng bata at dumagdag pa ang kalagayan nito.

Ramdam din umano nila ang sakit ng pamilya ng bata na ang tanging magagawa ay ang manalangin na malampasan niya ito sa lalong madaling panahon.

Hangad din ng netizens ang agarang paggaling ng bata lalo na at tila malakas naman ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:

"God panalangin po namin na pagalingin po Ninyo ang batang ito na sa kabila ng kanyang karamdaman ay patuloy na nagpupuri sa Iyo. Panginoon hipuin Niyo po ang batang ito ng Inyong makapangyarihang kamay at patuloy na palakasin ang kanyang katawan. In Jesus Name we all pray. Amen"
"Nakakaawa tlga lalo n ang bata pagnagkasakit mas lalo n Kung tatamaan NG Covid19 pls god pagalingin NYU po cia in Jesus name amen"
"Sana po papa god pagalingin nyo po ang batang ito at snaa po pagalingin nyo na po ang lahat ng may sakit snaa papa god mawala na po ang virus dito po sa pilipinas at buong bansa amen.
"Pero mas mahirap kung anak mo ang tatamaan kasi kailangan silang isolated talaga. Kaya mag iingat po lagi... di porket akala nyo e ok na. Isipin nyo mabuti yung mga bata/matatanda/mga prone sa sakit na maaaring mahawa"
"He may seem weak and worried but he's stronger to each one of us.. Strong in faith... May the healing hands of the Lord touch his angel and cure him from this pandemic. Amen.."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel