Lalaking nagpositibo sa COVID-19 at ayaw pa-ospital, nang-yakap ng mga kapitbahay

Lalaking nagpositibo sa COVID-19 at ayaw pa-ospital, nang-yakap ng mga kapitbahay

- Isang lalaking nagpositibo sa COVID-19 ang nagwala at ayaw pa-ospital

- Nang sunduin na siya ng mga medical workers, nagpupumiglas ito at gumawa ng eksena

- Ang masaklap, nang makitang pinagtitinginan na siya ng mga kapitbahay, binantaan niya itong yakapin habang ang ilan ay nagawa nga niyang lapitan at yakapin

- Napilitan na ang mga workers na pwersahin ang lalaki na madala sa ospital at labis na delikado ang ginawa nitong paglapit at pagyakap sa mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 40-anyos na lalaki sa Jakarta, Indonesia ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit ayaw nitong sumama sa ospital.

Base sa ulat ng Inquirer, na-swab test ang lalaki at lumabas ang resulta nito noong Biyernes, Mayo 15 kung kailan agad din siyang sinundo.

Nalaman ng KAMI na nang makita pa lang ng lalaki ang medical team na susundo sa kanya, nagwala na agad ito.

Mas lalo pa raw nagalit ang lalaki nang makitang isa-isa nang nagsisilabasan ang kanyang mga kapitbahay na tila ay nakiki-usyoso sa nangyayari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ayon sa The Jakarta Post, nag-init pa lalo ang ulo nito nang makitang may hawak na mga cellphone ang ilan niyang kapitbahay at kinukunan na ng video ang kanyang eksena.

Nilapitan ng lalaki ang mga kapitbahay kung saan nayapos niya ang ilan.

“What are you staring at? I will hug you all, you will soon be people under monitoring,” nasabi ng lalaki habang nagwawala ayon sa Kompas.com.

Nakumbinsi rin naman ng medical staff ang lalaki na madala sa ospital kung saan siya naka-quarantine sa isang isolation room.

Lalaking nagpositibo sa COVID-19 at ayaw pa-ospital, nang-yakap ng mga kapitbahay

source: The Jakarta Post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siniguro naman ni Deputy Mayor Muhammad Yusuf ng Tasikmalaya, West Java na agad na magsasagawa na sila ng contact tracing kabilang na ang mga nayakap ng lalaki at agd din nilang na-disinfect ang bahay at mga kalapit bahay ng lalaki.

Sa ngayon, umabot na sa 17,514 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Indonesia. 4,129 ang mga pinalad na mga naka-recover habang 1,148 ang mga naitalang pumanaw ayon sa worldometers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel