PH Coast Guard spokesman, kinumpirma ang pag-alis ng ilang OFW sa quarantine facility

PH Coast Guard spokesman, kinumpirma ang pag-alis ng ilang OFW sa quarantine facility

- Kinumpirma ni PH Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na lumikas ang ilang OFW sa quarantine facilities nitong Linggo

- Umuwi umano ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya bago pa man matanggap ang resulta ng kanilang mga pamilya

- Ilan umano sa mga OFW na umalis ay nag-positibo sa COVID-19 ayon sa PH Coast Guard spokesman

- Hindi pa nabanggit ng mga otoridad kung ilan ang saktong bilang ng mga OFW na umalis pero inuumpisahan na ang paghahanap sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay PH Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo, nilisan ng mga OFW repatriates ang quarantine facilities nitong Linggo bago pa man nila matanggap ang resulta ng kanilang COVID-19 tests. Umuwi umano ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.

“May mga nakatakas sa mga hotel na 'yan at ang masama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa bahay nila. Nakahalubilo ang pamilya, ‘yung community,” ani Balilo sa isang panayam.

Nagpositibo din sa COVID-19 ang ilang OFW ayon kay Balilo. Hindi pa ibinahagi ng PH Coast Guard kung ilan ang saktong bilang ng mga umalis na OFW pero kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad para mahanap ang mga OFW at masamphan ng kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Iho-hold kung sakali eventually dahil may vina-violate siguro sila dito sa Heal as One protocol. May balak po na sampahan ng kaso. Iimbestigahan po namin kung sino ‘yung mga kasabwat nitong tumakas na hotel personalities,” dagdag pa ng PH Coast Guard spokesman.

Matatandaang inireklamo ng mga OFWs ang kanilang kalagayan habang nasa quarantine facilities.

Nauna nang ipinag-utos ng pamahalaan ang pagsailalim sa 14-day quarantine para sa lahat ng umuwing OFW pati na ng mga ibang nanggaling sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ayon sa ulat ng Sun Star Manila, umabot ng 18,000 ang bilang ng mga OFW na na-stranded sa Manila at namalagi sa quarantine facilities. Ito ay matapos silang tanggihang makauwi sa kani-kanilang probinsiya.

6,000 lamang sa mga ito ang nakatanggap ng resulta ng kanilang COVID-19 tests.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel