Kathryn Bernardo, sinagot na sa wakas ang mga pumupuna sa kanyang legs

Kathryn Bernardo, sinagot na sa wakas ang mga pumupuna sa kanyang legs

- Hindi nagpatinag si Kathryn Bernardo sa mga negatibong komentong ipinupukol sa kanya

- Ito ay matapos mag trend sa Twitter ang hashtag ‘SakangSiKathryn’ nitong Sabado ng gabi

- Sa isang YouTube video, sinagot ng aktres ang mga pambabash at panlalait sa kanyang legs

- Ayon kay Kathryn, ginawa niya ang video na iyon bago pa nagkaroon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa-isang binasa ni Kathryn Bernardo ang ilan sa mga negative comments ng mga haters laban sa kanya. Sa kanyang bagong YouTube video, inamin ng aktres na naging insecurity niya ang kanyang legs na nilalait ng mga haters.

“Ngayon talaga hindi na ‘ko nabo-bother. Alam niyo over the years, natutunan ko tanggapin ‘yung legs ko. Yes it’s not straight, it’s kinda ganyan.. parang parenthesis, ‘yun ang sinasabi nila but wale e, parte siya ng pagkatao ko,” aniya.

Subalit dahil sa kanyang kasintahang si Daniel Padilla, natutunan niyang tanggapin ang kanyang legs.

“And before, sobrang insecurity ko ‘to pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa’kin na ‘wag [ito] maging insecurity? Si DJ,” dagdag pa niya.

“So through DJ, na-overcome ko ‘yung insecurity ko about my legs, ngayon as in kahit anong tayo ko, ganyan.. kasi na-realize ko, lahat tayo merong imperfections," pagbabahagi pa ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Siguro nagkataong sa ‘kin binigay ni God, ‘yung legs ko so anong gagawin ko? Edi nagwo-workout ako para ma-exercise siya and tatanggapin ko siya kasi, hello.. hindi naman ako makukulong sa pagiging sakang ko,” paglilinaw niya.

Matatandaang trending sa Twitter ang hashtag ‘SakangSiKathryn’ bilang pag-atake ng mga trolls laban sa kanya matapos ibahagi ni Kathryn ang kanyang saloobin hinggil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Bumuhos naman ang suporta mula sa mga KathNiel fans at iba pang kasamahan ng aktres sa industriya. Kasunod nito ay napasama na rin sa trendlist ang hashtag na #ReportTheTrolls.

Sa naunang ulat ng KAMI, umani ng samu't-saring reaksiyon ang mga tweets ni Atty. Ferdinand Topacio matapos niyang magsalita tungkol kay Kathryn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Kathryn bernardo ay isang aktres, product endorser at negosyante. Gumanap siya bilang si Mara sa TV series Mara Clara. Kabilang sa mga sereyng kanyang pinagbidahan ay 'Princess and I, Got to Believe, Pangako Sa 'Yo, at La Luna Sangre.

POPULAR: Read more about Kathryn Bernardo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel