Pamilyang namigay ng free food and drinks sa mga delivery riders, hinangaan ng marami

Pamilyang namigay ng free food and drinks sa mga delivery riders, hinangaan ng marami

- Viral ang video ng isang pamilyang nagmalasakit mamigay ng libreng pagkain at inumin sa mga dumadaan na delivery riders

- Nasa 300 ang nabigyan nila ng libreng pagkain ng araw na iyon na malaking bagay na sa mga delivery riders na ito

- Sila kasi ang matatawag ding frontliners sa laban nating ito kontra COVID-19 na sa kasamaang palad ay nakararanas pa ng panloloko ng ilang customer

- Hinangaan ang pamilyang ito na makailang beses na palang nakapagbigay ng tulong sa iba pang matatawag na mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang pamilya ng vlogger na si Celine Dizon o mas kilala bilang si Mommy O dahil sa muli nilang pagbibigay ng tulong sa mga matuturing din nating frontliners, ang mga delivery riders.

Binahagi niya ang video ng kanilang pagtulong kung saan namigay sila ng pagkain at tubig sa sinomang delivery rider na daraan.

Takip man ng helmet at mask mababanaag pa rin sa mga riders ang saya at may mga taong tulad nina Celine na nagmamalasakit sa kanila.

Ang ilan nagpakuha pa ng larawan sa mga nagbigay ng tulong sa kanila na kalauna'y pasasalamatan nila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nasa 300 na delivery riders ang nailibre nila ng pagkain nang araw na iyon.

Malaking bagay na ito para sa mga riders lalo na at madalas pa silang mabiktima ng panloloko kahit panahon ng krisis sa bansa.

Maituturing na frontliners ang mga ito dahil sa sakripisyo nilang ginagawa sa araw-araw na paglabas ng kanilang tahanan.

Maaring ginagawa nila ito upang may pantustos din sa kanilang pamilya kaya naman ang pagkakaroon ng libreng pagkain ay malaking tulong na sa kanila at kanilang pamilya.

Dahil dito, marami ang humanga sa ginagawang ito ng pamilya nina Celine at nararapat lamang daw na pamarisan ng marami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"God bless po sa inyong lahat.. nakakataba ng puso na panoorin kayo... patunay kayo na marami parin tlagang tao na may mabubuting puso at manalasakit sa kapwa.. ingat kayong lahat.."
"Nakakataba naman po ng puso, sana marami pa kayo matulungan"
"Wow god bless po sa mga taong may mabuting puso kagaya ninyo maliit man baon sa puso ang tatak niyan.mabasa sana kayo ng ulan para dumami kayo.be safe po"
"Grabe yung pagtulo ng luha ko habang pinapanood ko tong video na to. God bless po! I salute you guys bigtime!!!!"
"Humanity is the best response during this kind of crisis. May God bless you more"
"Wow!! spreading love and kindness..Truly guys you have the heart of God..Salute po sainyong lahat..May Godblesses all of you.."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel