Bagyong #AmboPH, nag-iwan ng matinding pinsala sa probinsiya ng Samar

Bagyong #AmboPH, nag-iwan ng matinding pinsala sa probinsiya ng Samar

- Matindi ang iniwang pinsala ng Bagyong Ambo sa probinsiya ng Samar

- Ayon sa ulat, dalawang katao ang naitalang sugatan habang mahigit 13,000 katao ang lumikas ng kanilang mga tahanan

- Ilang mga daan din ay hindi madaanan dahil sa pagbaha, posibleng landslides at natumbang poste ng kuryente at mga puno

- Nagsagawa na rin ang Department of Public Works and Highways ng pag-aalis ng mga nakahambalang sa mga daanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang probinsiya ng Samar sa pinaka apektado ng Bagyong Ambo na may international name na Vongfong. Ayon sa ulat ng The Philippine News Agency, dalawa ang naitalang nasugatan samantalang mahigit 13,000 tao ang lumikas ng kanilang mga tahanan.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), dalawang tao ang tumamo ng pinsala sa Can-avid, Eastern Samar mula sa mga nagliparang debris nang mag landfall ang bagyo sa Samar.

13,158 katao sa Northern Samar ang nagtungo sa mga evacuation centers, 2,225 mula sa Samar, at 601 sa Eastern Samar ayon sa paunang ulat.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng GMA News na maraming kabahayn ang napinsala at hindi din madaanan ang ilang kalsada dahil sa baha at mga natumbang poste ng kuryente at punongkahoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ilan sa mga pinakamatinding napinsala ay ang mga bayan ng Bobon, Laoang, Lope de Vega, at Mondragon sa Northern Samar; at Arteche, San Policarpio, Jipapad, Oras, aat Maslog sa Eastern Samar.

Nagsagawa na rin ang Department of Public Works and Highways ng pag-aalis ng mga nakahambalang sa mga daanan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), unang nag landfall ang bagyo sa San Policarpio, Eastern Samar noong 12:15 ng tanghali ng Huwebes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel