Residente sa Rizal, di umano nakatanggap ng ayuda dahil 'aso' niya ang nakalista

Residente sa Rizal, di umano nakatanggap ng ayuda dahil 'aso' niya ang nakalista

- Nagulat ang isang residente ng Rodriguez Rizal dahil ang aso niya umano ang nakalista sa masterlist ng SAP beneficiaries at hindi siya

- Ang pangalan umano ng kanyang alagang aso ang nailista ng barangay official na siyang nagproseso ng kanyang papeles

- Nagpakita naman umano ang residente ng dokumento patunay na ang kanyang "aso" ang nailista dahil sa address nilang naitala rin ng nag-asikaso sa barangay

- Hindi raw umano maipaliwanag ng taga-barangay kung bakit nga ba ang pangalan ng aso ang kanilang nailista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi umano nakakuha ng ayuda ang residente na si Nurharija Lim Rosqueta ng Rodriguez, Rizal dahil ang kanyang aso na si 'Margarita' ang nasa masterlist ng SAP beneficiaries.

Ayon sa GMA news, laking gulat ni Nurharija nang malamang wala siyang matatanggap na ayuda at mas lalo niyang ikinagulat nang malamang nasa listahan ang pangalan ng aso at hindi sa kanya.

Agad naman daw nagpakita ng dokumento si Nurharija na nagpapatunay na siya marahil ang dapat na nakalista doon dahil sa pareho na apelyido at address.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Base sa Go Cavite, sa mga veterinary clinic, nangyayari ang paggamit ng apelyido ng amo para sa file ng pasyenteng aso.

Malaki raw ang posibilidad na ganoon ang nangyari sa pagkuha ng pangalan ng residente.

Hindi rin masagot ng barangay official kung ano nga ba talaga ang nangyari at pangalan ng aso ang nailista.

Dahil dito, nauwi sa pagrereklamo ni Nurharija dahil sa nangyari at wala rin siyang natanggap na ayuda dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang social amelioration program ay ang tulong pinansyal ng pamahalaan sa mga taong pasok sa kanilang kwalipikasyon.

Naging kontrobersyal umano ang pamamahagi nito kung saan nawawalan ng social distancing sa lugar kung saan pwede itong ma-claim ng mga residente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel