Babaeng nakipagmatigasan sa mga otoridad, viral sa social media

Babaeng nakipagmatigasan sa mga otoridad, viral sa social media

- Isang babae ang nakuhanan ng video na nakipagtalo sa mga otoridad kaugnay sa pagpapatupad ng mga patakaran sa umiiral na community quarantine

- Hindi nagpatinag ang babaeng sinusubukang pigilan ng ilang sundalo at pulis na umalis dahil wala umano itong quarantine pass

- Maliban sa pakikipagsagutan upang maipagtanggol ang sarili, nakapanakit din ang nasabing babae habang pinipigilan siya ng isang pulis

- Kasalukuyang ipinapatupad ang modified enhanced community quarantine ngunit nanatiling ipinagbabawal ang paglabas ng bahay nang walang quarantine pass

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan sa social media ang video ng isang babae na nakipagmatigasan sa mga otoridad na nagpapatupad ng mga patakaran sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Hindi siya nagpapigil at tuloy na naglakad kahit pa pinagsasabihan siya ng mga otoridad na tumigil dahil wala siyang quarantine pass. Isa sa ipinapatupad na alituntunin ay ang pagsuot ng quarantine pass ng bawat taong lumabas ng bahay.

Tuloy na nakipagsagutan ang babae sa mga otoridad at nasaktan pa umano nito ang isang pulis nang sinubukan siyang pigilan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang bumilib sa haba ng pasensiya ng mga sundalo at pulis sa kabila ng ginawa ng babae. Tumawag ang isa sa kanila ng babaeng pulis na pwedeng mag-aresto sa nagwawalang babae.

Matatandaang isang babae din ang nag-viral sa social media matapos niyang murahin ang mga sundalong nagbabantay sa kanilang lugar. Wala din itong quarantine pass. Dahil sa kanyang ginawa, kinasuhan siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, marami ang lumabas at sumikip din ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

COVID-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel