Binata na nakapagpundar ng simple at magandang house & lot, kinagiliwan ng mga netizens

Binata na nakapagpundar ng simple at magandang house & lot, kinagiliwan ng mga netizens

- Tampok sa social media ngayon ang naging sariling bahay at lupa ng isang binata sa Bicol

- Aniya, inipon niya raw ang sinahod niya bilang trainee sa Japan sa loob ng 3 na taon

- Imbis na gumastos sa bisyo, naisip niyang ipunin na lang ang kita niya para makapagpatayo siya ng bahay

- Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa simple but elegant design ng bahay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang lalaki na nakapagpundar na ng bahay at lupa sa murang edad pa lamang niya.

Nalaman ng KAMI na natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa sa Bicol habang binata pa lamang siya.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Janno Lebuit, noong 22 anyos siya ay nakuha siya bilang trainee sa Japan at doon ay nagkaroon siya ng 3 taong kontrata.

Kaya naman, inipon niya ang sahod niyang kinita mula rito. Imbis na gastusin ang sahod sa bisyo, ginamit na lang niya ito upang makapagpatayo ng 20 square meters na bahay.

“Maliit man pero may bagyo mang dumating, di kayo mag aalinlangan na wala kayong malilipatan,” aniya.

“Kaya sa mga nag aaral pa wag nyo sayangin ang pinagpapaguran ng mga parents nyo and gantihan nyo pagod nila balang araw,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naaliw naman ang mga netizens sa kwentong buhay ni Janno lalo na ngayong may sariling bahay na siya. Narito naman ang mga komento nila sa Facebook:

“simply pero maganda... ganito lng gsto ko haus.. simply lng para low maintenance. ang importante my sariling bahay!”
“Magic house yan ah?simple sa labas pero psgpasok mo mapapWOW ka?”
“maganda ang loob kaya "dont judge the book by its cover"
“Kaswerte ng mga magulang sa anak na katulad mo.”
“wow sooo cute kahit wala pa pintura po ang aliwalas po”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

In this video, our hosts talk about 'quaranFLING' and the levels of flirting involved during the ECQ! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel