Sa SMDC pala iyon! Netizen na nag-post ng ₱1.7 million bill, kakasuhan ng Meralco

Sa SMDC pala iyon! Netizen na nag-post ng ₱1.7 million bill, kakasuhan ng Meralco

- Magsasampa ng kaso ang Meralco sa netizen na di umano'y nagbahagi ng ₱1.7 million bill na hindi naman pala sa kanya

- Naglabas umano ng pahayag ang Meralco at sinabing "Fake News" ang nai-post ng netizen na sinabing sa "ipasasara niya ang kanyang bahay" sa laki ng kanilang bill sa kuryente

- Nilinaw pa ng kompanya na sa isang corporate account ito ng SMDC na may 1,000 service units

- Imposible rin umano na magkaroon ng ganoong kalaking bill ang isang residential unit kaya huwag bastang maniniwala sa kung ano ang ibinabahagi sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magsasampa ng kaso ang Meralco sa netizen na tahasang nag-post ng kanya raw electric bill na umabot sa mahigit ₱1.7 million.

Sa naunang ulat ng , nakuha pa umanong magbiro ng netizen ang sinabing ipasasara raw niya ang kanilang bahay sa laki ng kanilang bill.

Base sa ulat ni Alvin Elchico ng ABS-CBN News, ang bill pala na sinasabing sa kaibigan ng netizen na nag-post ay isang corporate account ng SM Development Corporation o SMDC.

Kaya umabot ito ng milyon dahil sa 1,000 service units nito at hindi isang residential unit lamang.

Sa SMDC pala iyon! Netizen na nag-post ng ₱1.7 million bill, kakasuhan ng Meralco
source: Joven Salarda FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Giit pa ng Meralco, napaka-imposible na umabot ng milyon ang electric bill ng isang ordinaryong kabahayan lamang kaya huwag basta maniwala sa mga ganitong klaseng "fake news."

Kasalukuyan nang burado ng naturang netizen ang nasabing post na kalaunan ay naglabas ng pahayag na hindi raw 1.7 million kundi 1,700 pesos lamang ang kanilang bill.

Inaasahang magsasampa ang naturang kompanya ng Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 of the Revised Penal Code, Online Libel.

Dagdag pa rito ang paglabag din umano sa Section 6 ng Republic Act No. 10175 o ang tinatawag na Anti-Cybercrime Law.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“There is never a right time especially now that we are in a very challenging situation to be a purveyor of fake news and to spread malicious content online, when we should be united in fighting a pandemic. Spreading misinformation at the expense of others puts the public at risk and even hamper operations of critical institutions such as Meralco,” giit ni Atty. William Pamintuan, SVP at Head ng Legal and Corporate Governance ng Meralco.

Paalala rin ng Meralco na huwag na huwag magpo-post ng kanilang bill online dahil maaring maibahagi nila ang ilang sensitibong impormasyon nang hindi nila napapansin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica