PH2470 na isang nurse, balik serbisyo matapos maka-recover sa COVID-19

PH2470 na isang nurse, balik serbisyo matapos maka-recover sa COVID-19

- Nakabalik na sa trabaho si PH2470 matapos na mag-negatibo na sa COVID-19 noong Mayo 1

- Halos isang buwan din siyang nakipaglaban sa naturang virus na nakuha niya sa ospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse

- Aminado siyang pinahirapan siya ng COVID-19 ngunit laking pasalamat niya na hindi siya na-ospital at hindi rin nalagyan ng tube support na kanyang pinangangambahan

- At nang tuluyang nakawala sa virus, bagaman at nakaramdam ng pagdadalawang isip, bumalik pa rin siya bilang nurse upang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan ngayong nananalasa pa rin ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang pagmamahal sa sinumpaang tungkulin ni Joel Awit na isa sa mga frontliners na tinamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang linggo matapos na makumpirmang nag-negatibo na siya sa virus, balik ospital na muli siya upang maglingkod sa mga pasyenteng nangangailangan ng kanyang pagkalinga.

PH2470 si Joel na nagpositibo sa virus noon pang Marso, ilang araw mula nang magsimulang sumailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon.

Sa kwento niya sa programang Survivors ng GMA News, alam niyang nahawa siya sa ospital kung saan nakasalamuha nila ang isang COVID-19 patient.

Nang makumpirmang positibo siya sa virus, agad siyang pinag-home quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Aminado si Joel na hindi naging madali ang pakikipaglaban niya sa virus kahit pa wala siya sa ospital.

Laking pasalamat pa rin niya na hindi siya nalagyan ng tube support na isa sa kanyang pinangangambahan.

Buong tapang na hinarap ni Joel ang halos isang buwan niyang gamutan sa COVID-19.

Sa mga panahong iyon, sinisiguro niya na malakas pa rin ang kanyang pangangatawan at resistensya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nitong Mayo 1 nang umaga, bumungad sa kanya ang balitang negatibo na siya sa nakamamatay na virus.

Bagaman at may halong pagdadalawang isip, desidido pa rin si Joel na bumalik sa serbisyo sa pagiging nurse.

At isang linggo nga mula nang makumpirma ang kanyang paggaling, sinalubong siya ng kanyang mga katrabaho na masaya para sa kanyang pagbabalik.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel