78-anyos na di napigilang maghuramentado dahil walang ayuda, natulungan na

78-anyos na di napigilang maghuramentado dahil walang ayuda, natulungan na

- Nakatanggap na ng tulong ang 78-anyos na lolo mula sa Rodriguez, Rizal na di napigilang maglabas ng loob nang siya ay makapanayam ng GMA News

- Sa unang panayam sa matanda, di nito napigilang maghuramentado sa hirap ng kanilang kalagayan lalo na at hindi pa umano siya nakatatanggap ng ayuda

- Na-stroke ang kanyang misis at inaalagaan pa niya ang isa niyang anak na PWD

- Wala ring tulong na maiabot ang isa ring anak na kasalukuyang 'no work, no pay kaya naman doble ang pasakit sa kanila ng krisis dulot ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Lolo Jose Lagunbay ng Rodriguez, Rizal nang makatanggap na ng tulong ang kanilang pamilya.

Matatandaang si Lolo Jose ang nakapanayam ng 24 oras na hindi napigilang maglabas ng sama ng loob dahil sa hirap ng buhay na dumoble pa dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Naiiyak at naghuramentado noon ang matanda dahil wala umano siyang natanggap na ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Mahirap para sa amin. Hirap na hirap na ako. 'Yung asawa ko hindi makatayo, hindi makalakad. Kaya gusto ko nang maghuramentado. Wala man lang dumating sa amin," hinanakit ni Lolo Jose.

Na-stroke pa umano ang kanyang misis at may inaalagaan pa siyang isang anak na PWD.

Ang isa niyang anak na tumutulong sa kanila ay kasalukuyang "no work, no pay" kaya naman walang mai-abot sa kanila sa ngayon.

Sa dami ng nakapanood ng panayam ni Maki Pulido sa matanda, dumagsa ng tulong para sa pamilya ni Lolo Jose.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ngayon, napalitan ng mga ngiti at pagpapasalamat ang luha at sama ng loob ni Lolo Jose sa unang panayam sa kanya.

Bukod sa bigas at iba pang relief goods, nakatanggap pa si Lolo Jose ng cash aid na malaking bagay daw sa kanilang pamilya.

Hindi raw nila ito masusuklian at ang tangi nilang magagawa ay ang ipagpanalangin ang bawat tao nagmalasakit para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel