"Miss Everything", good vibes pa rin ang hatid kahit nawalan ng bubong dahil kay "Ambo"

"Miss Everything", good vibes pa rin ang hatid kahit nawalan ng bubong dahil kay "Ambo"

- Isa ang internet star na si Miss Everything sa di pinatawad ng hagupit ng bagyong Ambo

- Binahagi niya sa kanyang Facebook page ang itsura ng kanilang tahanang nawasak sa tindi ng bagyo

- Nawalan man ng bubong at nasira ang ilan pang bahagi ng kanilang tahanan ngunit laking pasalamat pa rin ni Miss Everything na ligtas pa rin ang sila ng kanyang mga mahal sa buhay

- Sa kabila ng pangyayaring ito, nagawa pa ring magpatawa ni Miss Everything na nakapagbahagi pa ng kanyang video mula sa TikTok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging si Ericka Maribojoc Camata o mas kilala sa tawag na "Miss Everything" ay isa sa mga nasalanta ng bagyong Ambo.

Sa kanyang Facebook page, binahagi niya ang larawan ng kanilang bahay sa Calbayog City, Samar na isa lugar na tinumbok ng bagyong Ambo.

Walang bubong at sira ang ilang bahagi ng kanilang bahay ngunit nagpapasalamat pa umano si Miss Everything dahil walang nasaktan sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Our home, We our safe no worrying everyone," ang caption ng kanyang post kasama ang ilang larawan ng kanilang tahanan.

Ngunit sadyang napaka-positibo sa buhay ni Miss Everything dahil sa kabila ng pangyayaring ito, nakuha pa rin niyang magpatawa.

Matapos ipakita ang sinapit ng kanilang bahay, sumunod na ang kanyang post kung saan naka-akyat pa siya sa taas ng kanilang tahanan habang kumukuha ng TikTok video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

May caption ang post na ito na "No mattering what always strong, Keep safe everything"

Nakilala si Miss Everything sa panahon ng quarantine dahil sa kanyang baluktot na ingles na naghatid naman ng saya sa marami.

Bukod sa kasiyahang kanyang dala, kahanga-hanga rin ang husay ni Miss Everything sa pagkanta.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel