Mataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, nagbigay pag-asa sa marami

Mataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, nagbigay pag-asa sa marami

- Mahigit isang daan na naman ang mga naka-recover sa COVID-19 ngayong Mayo 15

- 144 o 67% pa rin ng kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ay mula sa National Capital Region

- Ang region 7 na dati'y humahabol sa bilang ng NCR ay mayroon lamang naitalang dalawang karagdagang kaso

- 215 naman ang kabuuang bilang ng nadagdag ngayong araw base sa tala ng Department of Health

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay muli ng pag-asa ang mahigit isang daan na naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Mayo 15.

Sa inilabas na datos ng Department of Health, 123 ang bilang ng mga nagnegatibo na sa COVID- ngunit mayroon pa ring 16 na mga pumanaw.

215 ang karagdagang kumpirmadong kaso na bumuo 12,091 na kasalukuyang bilang.

144 o 67% nito ay mula National Capital Region habang ang 69 o 32% ay mula na sa ibang bahagi ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Region 7 o Central Visayas na dating pumapangalawa sa NCR ay may dalawang karagdagang kaso lamang ngayong araw.

Simula bukas Mayo 16, magsisimula nang magbago ang community quarantine ng ilang lugar.

Ang Metro Manila, Laguna at Cebu ay sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine simula Mayo 16 hanggang Mayo 31.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ito ang mga lugar na may mataas pa rin na bilang ng mga mayroon COVID-19 kaya naman bantay sarado pa rin ang paglabas ng mga tao ngunit may ilan ding pagbabago.

Samantala, ang mga lugar naman na may mababa o walang naitalang kaso ng COVID-19 ay tuluyan nang maalis sa community quarantine.

Ayon sa PTV, ito ay ang ang Region I, Region IV B at Region V sa Luzon, Region VI at Region VIII sa Visayas at Region X, XII, at BARMM naman sa Mindanao.

Gayunpaman, paalala pa rin ng Department of Health ng paggamit ng mask pag lumalabas, mag-disinfect, at patuloy na pag-check ng body temperature kung papasok sa pampublikong gusali.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel