Mga anak, proud sa 100-anyos na inang mag-isang nagtaguyod sa kanila

Mga anak, proud sa 100-anyos na inang mag-isang nagtaguyod sa kanila

- Binahagi ng isang netizen ang kadakilaan ng kanyang ina na umabot ng 100 taon

- Proud daw silang magkakapatid dahil maaga mang nabalo ang ina, kinaya nito na itaguyod ang apat na anak

- Kahanga-hanga raw talaga ang kasipagan ng kanilang nanay na maraming sakripisyo para sa kanila

- Hangad nilang makasama pa ito ng mas mahabang panahon pa at handa pa rin silang alagaan ito kahit nag-iisip bata na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud ang mga anak ni Andrea Mogol Cervantes ng Navotas City na umabot na sa edad na 100.

Ayon kay Elizabeth Capatan, isa sa mga anak ni Nanay Andrea, tunay na kahanga-hanga ang katatagan ng kanilang ina na maagang iniwan ng kanilang ama na sumakabilang buhay na.

Dahil dito, mag-isang tinaguyod ni Nany Andrea ang mga anak at walang tigil siyang kumayod para sa mga ito.

Ngayong 100 taong gulang na si Nanay Andrea, hangad pa rin ng kanyang mga anak na makasama pa siya ng mas matagal kahit pa raw ito'y isip bata na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga anak, proud sa 100-anyos na inang mag-isang nagtaguyod sa kanila

source: supplied
Source: Facebook

Narito ang kwentong nanay na binahagi ni Elizabeth sa KAMI:

"Ang nanay ko na masipag sa pananaw yun ang kanyang ginagawa nung siya ay malakas pa kaya kaming apat na mag kakapatid ay natuto sa kanya sa kanya mahal namin ang aming nanay.
Ngayon na di na sya nakakalakad at siya'y nasa kanyang wheelchair na lamang, tutok kami sa kanya dahil isip bata na sya ngayon. This is my family.
Wala ako masasabi sa aming nanay maaga po syang nabalo kaya tinaguyod niya kaming magkakapatid kahit na nag iisa lang sya yung araw ginagawa niyang gabi subsob siya sa pananahi para lang kami ay mabuhay niya.
Masasabi kong maswerte kaming mag kakapatid dahil nag karoon kami na mapagmahal na ina"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel