Viral! Babaeng walang face mask at quarantine pass, nakipagmatigasan

Viral! Babaeng walang face mask at quarantine pass, nakipagmatigasan

- Inaresto ng mga pulis ang isang babae na lumabag sa enhanced community quarantine

- Batay sa video na kuha ng isa sa mga awtoridad, nais pumasok ng babae sa lugar na nakailalim sa "hard lockdown" dulot ng banta ng COVID-19

- Bukod dito, walang suot na face mask at wala ring maipakitang quarantine pass ang babae sa video

- Ayon sa report, haharap sa patong-patong na kaso ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang isang babae na tinangkang pumasok sa isang lugar na nakasailalim sa "hard lockdown" dulot ng COVID-19.

Inaresto ng mga pulis ang 'di pa nakikilalang babae dahil sa paglabag nito sa enhanced community quarantine.

Sa video na in-upload ng netizen na si Axis AppleMheann Adevino na kuha ng isa sa mga awtoridad, nais ng babae na pumasok sa isang barangay sa Caloocan City dahil may importante umano itong iaabot sa isang residente roon.

Dahil naka-hard lockdown hindi ito pinayagan ng mga pulis.

Bukod dito, walang suot na face mask at wala ring maipakitang quarantine pass ang babae sa video.

Giit naman nito, binabastos diumano siya ng mga pulis na itinanggi naman ng mga inakusahan.

Maririnig din ang ilang beses nitong pagmumura at tinangka pang tumakas.

Sa isang report ng GMA News, sinabing haharap sa patong-patong na kaso ang naarestong babae dahil sa paglabag nito sa ECQ.

Nais pong ipaalam ng KAMI na bukas po kami para pakinggan ang panig ng babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

"Akala ko nun, malakas pa 'ko. Yun pala, kritikal na po ako." An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us. Check out all of the exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel