Meralco bill ng isang netizen na umabot sa ₱1.7 million, pinagkaguluhan online

Meralco bill ng isang netizen na umabot sa ₱1.7 million, pinagkaguluhan online

- Marami ang nagulat Merlaco bill ng isang residente na umabot sa mahigit ₱1.7 million

- Nagbiro pa umano ito na ipasasara ang bahay dahil sa laki umano ng komsumo ng kanyang kuryente

-Kalaunan, nalinaw na ito ng mismong netizen sinabing nagkamali lamang umano sa printing ng bill

- Ngayong buwan ng Mayo, maraming mga residente ang umalma dahil sa laki ng itinaas ng singil sa kuryente

- Sinubukang ipaliwanag ito ng Meralco at sinabing hindi naman daw sila magpuputol agad sakaling hindi mabayaran ng ilang mamamayan ang kanilang bill dahil sa krisis na dulot ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagkaguluhan sa social media ang di umano'y Meralco bill na umabot ng lampas 1.7 million pesos.

Binahagi ito ng netizen na si Joven Salarda na dinaan na lamang sa biro ang laki raw ng kanilang bill at sinabing "Ipapasara ko na ata bahay ko."

Ordinaryong residente lamang umano ni Salarda kaya naman napaka-imposibleng umabot ng milyon ang kanyang bill sa kuryente.

Dahil dito, hindi maiwasan na magbiro ng ilang netizens na baka naka-konekta umano ang linya ng buong barangay sa linya nina Salarda.

Kalaunan, nagbigay ng ito ng update at sinabing agad na nagkamali lamang daw sa pag-imprenta ng kanilang aktwal na bill at nasa ₱1,700 lamang daw ito.

Meralco bill na umabot sa ₱1.7 million, pinagkaguluhan online

source: FB/ Joven Salarda
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, hindi lamang si Salarda ang nakatanggap ng "nakakagulat" na bill ng Meralco na ngayong Mayo.

Katunayan, marami sa ating mga kababayan ang napa-aray sa laki ng itinaas ng kanilang singil kumpara noong nagdaang mga buwan.

Minsan nang nabanggit ng kompanya na dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon partikular na sa Metro Manila ay average consumption na lamang ang kanilang sisilingin.

Ito ay ibinase sa huling tatlong buwang karaniwang konsumo ng isang kabahayan bago pa ang ECQ.

Doble, triple at ang iba ay apat beses ang itinaas ng bill ng kuryente ng karamihang residente ng Kamaynilaan.

Naglabas na ng pahayag ang Meralco sa kanilang page kaugnay na naging problemang ito sa bahaging "Understanding Your May Bill."

"The May bill is a result of the actual kWh Consumption from the current meter reading, less the estimated consumption," ang bahagi ng naturang pahayag sa kanila mismong website.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel