Video at larawan ng birthday celebration ng Mayor sa Pangasinan sa kabila ng ECQ, viral

Video at larawan ng birthday celebration ng Mayor sa Pangasinan sa kabila ng ECQ, viral

- Mabilis kumalat ang mga video at larawang kuha di umano sa bithday celebration ng Mayor sa Pangasinan

- Makikitang may ilang mga taong nagtipon-tipon upang kantahan ang alkalde para sa kanyang kaarawan

- Kabilang na rito ang ilang naka-uniporme ng pulisya at ilang opisyal ng barangay

- Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang panig ng alkalde kaugnay ng selebrasyon na mahigpit na ipinagbabawal lalo na at nakataas pa rin ang enhanced community quarantine sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan online ang di umano'y kumakalat na video at mga larawan ng di umano'y birthday celebration ni Mayor Timoteo Villar III ng Santo Tomas, Pangasinan.

Binahagi ng Vdd Konstrak NSupplies ang ilang larawan at video noong Mayo 6 ng sinasabing selebrasyon sa kabila ng enhanced community quarantine sa kanilang lugar.

Sa video, makikitang kinakantahan nila ang Alkalde bago nito hipan ang kandila ng kanyang birthday cake.

Bagaman at nakasuot ng masks, tinatayang nasa mahigit 20 katao rin ang nasa lugar.

Mapapansin ding nagagawa pa umano nitong kamayan ang ilan sa kanyang mga "bisita".

Video at larawan ng birthday celebration ng Mayor sa Pangasinan sa kabila ng ecq, viral

screenshot: James Capistrano FB video
Source: Facebook

Ayon sa Rappler, maging ang anak ng alkalde na si Konsehal Dickerson Villar ay nagbahagi ng video ng di umano'y "midnight harana" ng ilang mga tao para sa kanyang ama, dalawang araw makalipas ang sinasabing kaarawan nito.

Maririnig din di umano itong nagbiro ng “O, tulog tayong lahat sa kulungan! Dami nating nilabag: curfew, social distancing.”

Hanggang ngayon, Mayo 14, wala pang nilalabas na pahayag ang alkalde tungkol sa sinasabing selebrasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na kuha ng netizen na si James Capistrano sa kanyang comment section:

Samantala, hindi ito nalalayo sa naging kontrobersyal na "mañanita" para naman sa kaarawan Major General Debold Sinas sa kabila ng ECQ.

Sa naunang ulat ng KAMI, nagpaliwanag na si NCRPO chief Sinas na di umano't edited ang ibang larawan na kumakalat sa sinasabing pagtitipon.

Ayon pa sa pahayag nito sa Philippine Star, "packed lunch" umano ang "selebrasyon" taliwas sa mga kumakalat na larawan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang mga ganitong pagtitipon kung saan mas mabilis na kumaka lat ang bagsik ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel