Tears of joy! 'Batang' naging kritikal ang lagay dahil sa COVID-19, naluha sa paglabas ng ospital

Tears of joy! 'Batang' naging kritikal ang lagay dahil sa COVID-19, naluha sa paglabas ng ospital

- Viral ang video ng isang batang lalaki na naipanalo ang laban niya kontra COVID-19

- Mayroon pa itong kidney disease kaya naman naging kritikal ang lagay nito

- Hindi naiwasang maluha at maging emosyonal ng bata nang magpaalam ang mga health workers na nag-aruga at nagmalasakit sa kanya sa pananatili niya sa ospital

- Napag-alamang 18-anyos na ang batang may special needs din kaya naman mukha itong pitong taong gulang lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaantig ang tagpo sa Philippine General Hospital nang mamaalam na ang "batang" may kidney disease na gumaling sa COVID-19.

Base sa ulat ng Philippine Star, naging kritikal umano ang kalagayan ng pasyente ngunit napaglabanan nito ang coronavirus sa kanyang katawan.

Makikita sa video na naging emosyonal ito nang mamaalam ang mga health workers na nag-alaga at nagmalasakit sa kanaya sa pamamalagi niya sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi niya napigilang maluha habang ang ilan ay may mga pabaon pang regalo sa kanya.

Ayon naman sa GMA news, hindi na raw talagang bata ang pasyente. Isa na raw itong 18 taong gulang na lalaki na may special needs kaya naman mukha lamang itong pitong taong gulang.

Kwento pa ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario espesyal ang paggaling na ito ng pasyente dahil ito ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 na matapos maging kritikal ay naka-recover naman.

Marso nang ma-admit ito sa PGH dahil nag-positibo ito sa COVID-19 at dalawang beses na nakabitan ng tube support.

Bukod pa rito, makailang beses din itong nag-dialysis dahil naman sa kanyang karamdaman.

Enero 31 nang maitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Base sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 11,618 ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel