Lalaking tumalon mula sa overpass sa QC, nasagip
- Naisalba ang isang lalaki na nagtangka umanong tumalon mula sa overpass sa Quezon City
- Rumesponde agad ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council sa insidenteng ito at agad na nakapag-set up ng inflatable jump cushion
- Makikitang inaabutan pa ng maiinom ang lalaking tila raw ay tuliro na sa nangyayaring krisis dala ng COVID-19
- Natuloy man ang pagtalon nito, ngunit maayos naman siyang nasalo ng cushion kaya hindi umano ito nasaktan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naagapan ang tangkang pagtalon ng isang lalaki mula sa overpass sa may Araneta Avenue sa Quezon City.
Binahagi ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ang ginawa nilang pag-rescue sa lalaking tila tuliro na sa krisis na nagaganap sa bansa dahil sa COVID-19.
Nalaman ng KAMI na agad ding rumesponde ang pulis at bumbero sa lugar ng insidente.
Agad na nakapagset-up ng inflatable jump cushion upang masalo ang lalaki at mailayo ito sa kapahamakan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mapapansin ding inaabutan pa ang lalaki ng maiinom dahil marahil pagod na ito at naguguluhan sa mga nangyayari.
Makikita rin sa isang larawan na natuloy man ang pagtalon ng lalaki, nasalo naman ito cushion kung saan nakaabang ang mga pulis at bumbero.
Malaking bagay na agad na rumesponde ang kinauukulan sa mga insidenteng tulad nito na buhay na ang nakataya dala ng matinding problema dulot ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa nakamamatay na virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?
Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh