80-anyos na inang maayos na naitaguyod ang 15 na mga supling, binigyang pugay ng mga anak

80-anyos na inang maayos na naitaguyod ang 15 na mga supling, binigyang pugay ng mga anak

- Nagbigay pugay ang isang anak sa kanyang 80-anyos na ina na para sa kanya'y napakadakila

- 15 silang magkakapatid na maayos na naitaguyod ng kanilang mga magulang

- Hanggang sa pagtanda, nakukuha pa rin daw nitong magtanim na siyang ipinamamahagi niya sa kanyang mga anak

- Napakamapagmahal din daw nito sa kanyang mga apo kaya naman kahanga-hanga ang katatagan at kadakilaan ng inang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nito lamang nakaraang Linggo, ipinagdiwang natin ang isa sa mahahalagang araw kung saan nabibigyang pansin natin ang kadakilaan ng nagluwal sa atin sa mundong ito, ang ating mga ina.

Ang lahat sa atin ay may kanya- kanyang paraan ng pag-aalala, pasasalamat at pagbibigay pugay sa taong pinagkaka-utangan natin ng ating buhay.

Tulad na lamang ng binahagi ng netizen na si Eunice Anilao Pepito tungkol sa kanyang ina na si Democrita Cuyos Pepito na 80-anyos na.

Para kay Eunice, kahanga-hanga ang kanyang ina na maayos na napalaki at naitaguyod ang kanyang 15 mga anak.

Kaya naman hindi maiiwasang maging idolo ni Eunice ang kanyang ina dahil sa di matatawaran nitong pagmamahal sa kanilang magkakapatid.

Malaking pamilya man, ni minsan ay di niya kinakitaan ng kapaguran ang ina. Bagkus, pinuno pa raw sila nito ng pagmamahal at pagmamalasakit kaya naman masasabi niyang mapalad sila sa kanilang nanay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng liham ni Eunice sa KAMI tungkol sa kanyang pinakamamahal na ina na pinagmamalaki niya sa mundo.

"Ang aking ina si Democrita Cuyos Pepito. Para sa akin, napakadakila niyang ina. 15 kaming magkakapatid lahat kami nakaya niyang alagaan at palakihin. Mag 80 years old na po siya ngayong August 3.

Hinahangaan ko siya bilang nanay. Maliit palang ako, kita ko iyon sapag aalaga niya sa amin. Mahirap lang kami. Walang permanent na work ang tatay ko. Sabi po ng nanay ko at tatay ko, mag aral kayo at igagapang namin kayo.

Dahil sa dami namin, di lahat kamiy nakatapos. May nakatapos lang ng highschool at 2-year course. Pero ipinagpapasalamat ko yon sa kanila. Napakadakila niyang ina kasi yong isusubo niya, ibibigay pa niya para sa anak na may mga pamilya na. Kita ko ang pagod niya sa pag aaruga samin, pag iintindi ng aming mga pangangailangan araw araw at hanggang ngayon, iyong pagmamahalan na walang hinihintay na kapalit sa kanya ko nakikita.

Kahit matanda na siya, nagpipilit parin siya magtanim ng gulay. Pag may bunga, pambigay niya sa mga anak niyang dumadalaw para may magulay. At kung medyo madami ang gulay, dadalhin niya sa palengke para itinda. Pag uwi, sa halip makita mo na ibili niya ng para sa kanilang sarili, pampasalubong sa apo ang makikita mong bitbit tulad ng tinapay o prutas.

Pag alam niyang isa sa kanyang anak ay maysakit, kahit ito'y may pamilya na di, siya mapipigilan na di ito puntahan para damayan.

Sobrang thankful ako kasi siya naging nanay ko. Inang di ko kinakitaan ng pagod para sa sarili kundi ang makikita mo ay inang sobrang mapagmahal sa mga anak.

Sila ang aking ina at ama na sa hirap ng buhay ay masaya paring nagsasama."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel