"Kindness station" sa Sorsogon, malaking tulong sa mga residenteng wala nang makain

"Kindness station" sa Sorsogon, malaking tulong sa mga residenteng wala nang makain

- Viral ngayon ang pagtutulungang ginagawa sa Sorsogon upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente nilang kinakapos na sa araw-araw

- ika-11 nang araw nila itong ginagawa kung saan ang lahat at maaring tumulong at mag-iwan ng maari nilang ibigay

- Ito ay nakalaan sa mga kababayan nilang malayang kumuha ng kanilang kailangan lalo na ang pagkain

- Malaking tulong ito lalo na at marami na ang nagugutom dahilan sa kawalan ng hanapbuhay bilang pag-iingat sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa konseptong "Kindness Station" sa Sorsogon na naglalayong magbigay tulong sa mga residenteng kinapos na sa pangaraw-araw nilang pangangailangan.

Sa kanilang Facebook page na The Kindness Station, makikita ang iba't ibang pamamaraan nila ng paghahatid ng tulong sa mga residenteng labis na apektado ng community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang grupong ito ay naglilikom ng iba't ibang klaseng tulong, pinansyal man o iba pang mga pangunahing pangangailangan upang maibahagi sa iba.

Sa kanilang munting mesa o minsan naman ay maliit na istante, makikita ang bigas, de lata, noodles, iba pang pagkain na malayang makuha ng sinuman ang nangangailangan nito.

Maging ang mga sabong panlaba, sabong pangligo, toothpaste, shampoo at iba pang mga kailangan sa tahanan ay maari ring makuha ng mga residente.

Pinaalalahanan lamang nila ang mga ito na kunin lamang ang kailangan nila at sasapat sa kanilang pamilya upang magkaroon din ng pagkakataong makakuha ang iba.

Napakalaking bagay nito sa mga residente sa kanilang lugar dahil sa natitipid pa nila ang naitatagnog pera o di kaya nama'y nakakakain ang talagang walang-wala na.

Hinangaan ang konseptong ito ng maraming netizens na nag nanais din na magkaroon nito sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless po sana madami pa po ang mag donate para mas madami pong mga, mahihirap ang makinabang"
"Dapat pla Ang mga barangay may gànyan kahit man lng ngayon sa panahon ng covid"
"Mapapa-sana all ka talaga!mabuti po at merong nakaisip ng konsepto nito"
"Napakaganda po ng adhikain nito. Tulungan talaga. sana sa buong bansa mayroon nito"
"Wow! Kindness galore! Mabuhay kayo there in Sorsogon! God bless you more"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel