Pangatlo na! Babaeng mula Cebu na nag-alok ng ₱75M kapalit ang buhay ng pangulo, nahuli na

Pangatlo na! Babaeng mula Cebu na nag-alok ng ₱75M kapalit ang buhay ng pangulo, nahuli na

- Nasakote na ng CIDG Central Visayas ang babaeng di umano'y tahasang nagpataw ng malaking halaga kapalit ang buhay ni Pangulong Duterte

- Nakilala ang 26-anyos na suspek mula sa Cebu at pangatlo na sa mga nahuli sa ganitong klaseng pagbabanta laban sa Pangulo

- Lumalabas na tila mayroon daw di umanong gumamit ng kanyang profile at hindi siya ang nagbahagi ng kontrobersyal na post

- Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng kasong ito lalo na at dumarami na ang gumagawa nito sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natiklo ang 26-anyos na babaeng mula Sitio Tumoy, Barangay Ibabao, Cordova, Cebu na sinasabing nagpataw ng ₱75 million kapalit ng buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa ulat ni Alan Domingo ng GMA RTV, nasakote na ang suspek na nakilalang si Maria Catherine Bentolan Ceron at gumagamit di umano ng Facebook name na Ma Enirethac Norec.

Nalaman ng KAMI na makailang beses nang nagbahagi sa kanyang social media si Ceron patungkol sa pagbatikos niya sa presidente.

Ngunit ang pinakamalala na siyang pananagutan niya ngayon ay ang di umano'y 'pabuya' ng kanilang grupo sa sinoman ang makakagawa ng kanilang balak laban kay Pangulong Duterte.

“Kahit maubos ang pera namin, m****y ka lang namin, ngayon kung sino ang makakabasa nito kung sino ang makakap**** kay Presidente Duterte, bibigyan namin ng pabuya,” sinulat di umano ni Ceron sa wikang Cebuano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pagtutulungan ng CIDG Mandaue, CIDG Lapu-Lapu at Regional Intelligence Unit of Region 7 at sa pakikipag-ugnayan sa Cordova PNP Regional and Anti-Cybercrime Unit Central Luzon, natunton ang kinaroroonan ni Ceron.

Wala pang nailalabas ang kampo ng suspek tungkol sa alegasyon at ang tanging depensa pa lamang nito ay tila may ibang gumamit ng kanyang Facebook account.

Si Ceron ang pangatlong suspek na nahuli kaugnay sa ganitong klaseng pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng bansa.

Una na rito ang public high school teacher na si Ronnel Mas na ₱50 million naman ang inalok habang ang pangalawa na isang construction worker ay dinoble naman ang alok ni Mas.

Sa naunang ulat ng KAMI, humingi na ng tawad ang guro na nasa kamay na ngayon ng National Bureau of Investigation Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel