NCRPO chief Sinas, todo paliwanag sa kanyang viral b-day celebration habang may ECQ

NCRPO chief Sinas, todo paliwanag sa kanyang viral b-day celebration habang may ECQ

- Usap-usapan sa social media ngayon ang naging birthday celebration umano ni NCRPO chief Debold Sinas

- Kumalat ang mga litratong may handa raw si Sinas noong kaarawan niya at may mga bisita pa kahit ipinagbabawal ang mass gathering ngayong may enhanced community quarantine

- Sabi ni Sinas, ang iba raw sa mga litratong kumakalat ay edited at galing sa mga lumang posts

- Humingi na rin siya ng paumanhin sa mga nangyari sa kaarawan niya lalo na ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpaliwanag na si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Debold Sinas matapos kumalat ang mga litrato ng diumano’y selebrasyon ng birthday niya.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Sinas, isang mañanita ang nangyari at hindi raw ito “party.”

Ayon sa ulat ng Philippine Star, naglabas na ng pahayag si Sinas. Aniya, naging ma-ingat daw siya sa pagtanggap ng mga tauhan niya dahil alam niya ang mga ipinagbabawal ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

“Actually hindi po kami nag-party, wala pong nag-party. Mga well-wishers ko po ‘yon ‘di ba. ‘Yung mga tauhan ko po na dumalaw, nag-mañanita, siyempre tatanggapin ko ‘yon,” sabi ni Sinas.

“At tsaka, nagma-mask naman sila, naka-gloves pa ‘yung iba at tsaka nag-social distancing,” dagdag pa niya.

Sabi naman sa ulat ng CNN Philippines, pinaliwanag ni Sinas na ang ilang mga litrato na kumakalat sa social media ay “edited” at galing sa mga lumang posts.

“Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself. However, it does not define the totality of what really had happened,” sabi niya.

Humingi naman ng paumanhin si Sinas sa publiko. Hindi umano niya intensyon ang lumabag sa guidelines ng enhanced community quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na ang Department of Interior and Local Government ay nagsalita na rin ukol sa isyung ito.

Nagsimula ang isyu matapos mag-post umano ng NCRPO sa kanilang official Facebook page ng selebrasyon ng birthday ni Sinas habang may ECQ. Agad ding binura ang post na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our new episode features a unique challenge: you have to guess our host’s hilarious gibberish sentences and phrases! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel