Isang nurse, ibinahagi ang hirap sa pagsuot ng PPE ngayong matindi ang init ng panahon

Isang nurse, ibinahagi ang hirap sa pagsuot ng PPE ngayong matindi ang init ng panahon

- Ipinakita ng isang nurse ang hirap na dinaranas nila ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa

- Sa litratong binahagi niya, makikita ang tindi ng pawis niya habang nakasuot ng PPE o personal protective equipment

- Aniya, hindi raw ihi ang basa na makikita sa litrato kundi pawis niya dahil sa sobrang init ng panahon

- Samantala, nagbigay pugay naman ang mga netizens sa sakripisyo at serbisyo ng mga health workers ngayong may banta ng coronavirus sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi biro ang isang maging frontliner ngayong may krisis ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na mas mahirap pa ito ngayon dahil sa tindi ng init ng panahon sa kasalukuyan.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, ipinakita ng nurse na si Erick Torres ang hirap na dinadanas ng mga health workers kapag sila ay nakasuot ng PPE o protective personal equipment.

"Hindi po iyan ihi, pawis po iyan," sabi ni Erick.

Makikita sa litrato ang tindi ng pawis niya kaya tumulo na ito sa sahig mula sa inuupuan niya. Si Erick ay nakatalaga ngayon sa isang quarantine facility sa Pasig City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbigay pugay naman ang mga netizens sa sakripisyo at serbisyo ng mga frontliners ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Sir konting tiis n lng po at mkk raos din po kau, I salute you and your comrade”
“Grabe ang hirap. God bless all of you and give you strenght and protect you from getting the virus”
“Praying for your safety frontliners, thank you for a job well done”
“Thank you so much sa lahat ng mga frontliners. May God bless and protect all of you.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our new episode features a unique challenge: you have to guess our host’s hilarious gibberish sentences and phrases! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel