Viral! Lalaking nagpatong ng P100M sa ulo ni Pres. Duterte, timbog din

Viral! Lalaking nagpatong ng P100M sa ulo ni Pres. Duterte, timbog din

- Arestado ang isa pang lalaki matapos mag-post sa social media laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Ayon sa post nito magbibigay daw ito ng 100M para sa kung sino man ang makakapatay sa pangulo

- Kasunod lang ito ng pagkakahuli sa isang guro na nag-post din laban sa pangulo

- Nahaharap sa kaso ang guro na agad namang humingi ng tawad dahil sa kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang lalaki sa Aklan matapos itong mag-post laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa post ng lalaki sa Facebook na may pangalang Ronald Quiboyen, sinabi nitong magbibigay siya ng 100 milyong piso para sa sinumang makakapatay sa pangulo.

Ngunit mabilis na naaksyunan ito ng mga awtoridad at naaresto ang lalaki sa Vargas Compound, Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay sa nasabing probinsiya, bandang 7 p.m. nito lamang Martes, batay sa report ng FB page na Buhay Lespu.

Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa ng lalaki laban sa presidente lalo na sa panahong humaharap ito sa napakalaking hamon dahil sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Samantala, kasunod lamang ito ng pagkakahuli sa isang guro na nag-post din laban kay Pangulong Duterte, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa NBI, haharap sa kaso ang guro na agad namang inamin ang kanyang kasalanan at humingi ng tawad sa pangulo.

Itinanggi rin nito at ng kanyang ama na mayroon silang P50 milyon na una nitong sinabing ibibigay sa sinumang makakapatay kay PRRD.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

"Akala ko nun, malakas pa 'ko. Yun pala, kritikal na po ako." An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us. Check out all of the exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel