Mag-asawang nurse na sinubok ng COVID-19 ang buong pamilya, nagbigay inspirasyon sa marami

Mag-asawang nurse na sinubok ng COVID-19 ang buong pamilya, nagbigay inspirasyon sa marami

- Nag-viral ang nakakaantig ng puso na "Kwentong COVID" ng mag-asawang sina Rachelle Christy Rizon-Clavano at Denver Clavano

- Pareho silang nurse at naging frontliners kung kaya madaling nahawa ang mister

- Dahil nakakasama nila ito araw-araw, dumaan sa swab test ang buong pamilya nila habang si Denver at naka-quarantine

- Matindi ang pananampalataya nila sa Diyos na kailanman daw ay hindi kinuwestyon ni Rachelle sa nangyari sa kanilang pamilya dahil bukod sa tinamaan ng virus ang mister, naranasan nilang kapusin ngunit agad na may dumarating na tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig at na-inspire sa kwentong binahagi ng nurse na si Rachelle Christy Rizon-Clavano tungkol sa naging karanasan ng kanilang pamilya dahil sa COVID-19.

Masasabing matinding pagsubok ang dala ng COVID-19 sa kanila dahil lumabas na positibo sa virus ang mister niyang isang frontliner nurse.

Dahil sa nakakasama nila ito sa araw-araw bago makumpirma na siya ay positibo, dumaan din sa swab test si Rachelle, ang kanilang mga anak at maging ang kanilang kasama sa bahay.

Sadyang napakahirap ng sitwasyong ito para sa kanila lalo na at naghihintay sila noon ng resulta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dumating pa raw sa punto na kukulangin na sila sa pagkain at kinapos na rin sila sa pera ngunit nakamamanghang may bigla na lamang dumarating na grasya.

Naniniwala si Rachelle na malaking bagay ang kanyang pananampalataya sa nangyayaring ito sa kanila dahil tila kusang lumalapit pa rin ang mga taong handang tumulong sa kanila.

Aminado siyang hindi siya naiyak nang malamang may COVID-19 ang kanyang mister ngunit iniyakan niya sa sobrang kasiyahan nang ulanin pa rin sila ng tulong at biyaya mula sa mga totoong kaibigang naasahan nila sa oras ng pangangailangan.

Narito ang kabuuan ng kwento nina Rachelle at Denver na nagbigay ng inspirasyon sa marami.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel