Bride na boluntaryong pinakasalan ang kuya, isiniwalat ang matinding dahilan

Bride na boluntaryong pinakasalan ang kuya, isiniwalat ang matinding dahilan

- Viral ang post ng isang bride na nagpakilalang kapatid ng groom at ang dahilan kung bakit niya ito nagawa

- Lahat ay maayos at organisado na para sa kasal ng kanyang kuya na mapapansing may kapansanan pa

- Sa kasamaang palad, hindi ito sinipot ng kanyang totoong bride kaya naman para ituloy lamang ang seremonya, nagboluntaryo na ang emosyonal na kapatid ng groom

- Binahagi niya ang video kung saan makikitang siya mismong ang umiiyak sa sobrang awa sa kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay online ang kakaibang kasalan sa Cambodia kung saan nagawang pakasalan na lamang ng groom ang kanyang kapatid.

Base sa post ni Sopha Len, labis siyang nasasaktan sa sinapit ng kanyang kuya kung saan hindi ito sinipot ng kanyang bride.

Handa na at organisado na ang lahat ngunit hindi nagpakasipot-sipot ang babaeng pakakasalan talaga ng kanyang kuya.

Upang ituloy na lamang ang seremonya, si Sopha na ang umupo sa tabi ng groom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nito mapigilang maluha dala ng awa sa kanyang kapatid.

Mapapansin kasing tila may kapansanan pa ang groom na nakalagak sa wheelchair.

Hindi naging malinaw kung totoong kasalan nga ba ang naganap o tila isang kasiyahan na lamang na tulad ng sa bagong kasal.

Ngunit ang malinaw, ginawa lamang ito ni Sopha dala ng awa at pagmamahal niya sa kanyang kuya.

Narito ang emosyonal na video ng seremonya:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel