Nurse na nagkunwaring may sintomas ng COVID-19 para ma-test, lumabas na positibo

Nurse na nagkunwaring may sintomas ng COVID-19 para ma-test, lumabas na positibo

- Isang nurse sa Canada ang naniguro at nagkunwari na lamang na may COVID-19 upang magawan siya ng test

- Ililipat siya mula sa ospital kung saan isa siyang frontliner sa mga COVID-19 patients patungo sa isang nursing home

- Nangangamba siya na baka mayroon siyang virus ngunit hindi siya basta magawan ng test

- Asymptomatic kasi siya at masigla pa kaya naman laking gulat nila nang lumabas ng positibo siya sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nurse na frontliner sa Quebec, Canada ang umaming nagkunwari siya na may sintomas ng COVID-19 upang maisailalim siya sa testing.

Base sa ulat ng Inquirer, ililipat daw umano ang nurse mula sa ospital patungo sa isang nursing home.

Ngunit pangamba nito na baka tinamaan na siya ng naturang virus nang hindi niya nalalaman lalo pa at mga COVID-19 patients ang kanyang mga hinaharap doon.

Ayon pa sa Canadian Broadcasting Corporation nitong Mayo 8, hindi raw kasi basta magawan ng test ang nurse na nakilalang si Kristy-Lyn Kemp dahil asymptomatic siya at tila masigla pa.

Prayoridad daw kasi ang mga symptomatic na makunan ng COVID test upang masiguro ang kalagayan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito marahil ang nag-udyok kay Kemp upang magkunwaring may sintomas para maibsan ang pangamba niya bago siya mailagak sa nursing home.

“I made up symptoms. I said I had a fever and a cough. And that’s when they gave me an appointment,” kwento ni Kemp.

Nang lumabas ang resulta, laking gulat niyang positibo nga siya sa COVID-19.

Tila mahimasmasan pa rin si Kemp kahit na paano dahil siya ay na-test dahil malaking pasanin daw kung siya ay nalagak sa nursing home gayung positibo na pala siya sa virus.

Nurse na nagkunwaring may sintomas ng COVID-19 para ma-test, lumabas na positibo

source: CNN Philippines
Source: Facebook

Aminado naman ang Canadian Ministry of Health na prayoridad nga ang mga may mga sintomas ng virus ngunit bilang galing umano si Kemp sa pagiging frontliner sa mga pasyenteng may COVID-19, nararapat lamang na masuri siya bago dalhin sa nursing home.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel