SAP beneficiary na nagpapapirma ng form, binaril ng barangay chairman

SAP beneficiary na nagpapapirma ng form, binaril ng barangay chairman

- Pumanaw ang isang benepesyaryo ng social amelioration program o SAP sa Leyte

- Binaril ng barangay chairman ng Albuera ang biktima sa harap ng iba pang nagpapapirma ng SAP clearance

- Agad namang inaresto ang barangay chairman at dinala sa presinto

- Paliwanag ng barangay chairman, may balak daw na masama ang biktima sa kanya kaya niya nabaril ito

- Samantala, hindi naman matanggap ng pamilya at kapitbahay ng biktima ang insidenteng nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang benepesyaryo ng social amelioration program o SAP ang pumanaw matapos umano barilin ng barangay chairman sa Albuera, Leyte.

Nalaman ng KAMI na nagpapapirma lang umano ang benepesyaryo nang barilin siya.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, binaril ni barangay chairman Andres Cruz ang residenteng si Paulito Paton-Og sa harap ng iba pang nagpapapirma ng SAP clearance.

Sabi sa ulat, agad namang inaresto ang barangay chairman matapos ang insidente. Paliwanag ni Cruz, may hindi magandang balak daw ang biktima sa kanya kaya niya ito nabaril.

Samantala, hindi naman matanggap ng pamilya at kapitbahay ni Paton-Og ang sinapit ng biktima. Dagdag pa ng mga ito, karamihan daw ng mga nasa listahan ng SAP sa lugar nila ay wala pang nakukuhang ayuda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng ayuda sa mga benepesyaryo.

Ang SAP ay isang tulong pinansyal para sa mga Pinoy na pasok sa kwalipikasyon ng DSWD ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our new episode features a unique challenge: you have to guess the gibberish sentences and phrases! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel