Lola, naiyak dahil wala ang inaasahang ayuda matapos bumalik ng 6 na beses

Lola, naiyak dahil wala ang inaasahang ayuda matapos bumalik ng 6 na beses

- Naiyak na lang ang isang senior citizen dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin ang ayudang inaasahan niya

- Aniya, apektado ang trabaho nilang mag-asawa ngayong may enhanced community quarantine sa Metro Manila

- Umapela naman si lola sa ibang may pensyon at paupahan na nakakuha pa rin ng ayuda mula sa gobyerno

- Samantala, ang ibang mga nanay naman na nakapila para kumuha ng ayuda ay bitbit pa ang kanilang mga sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na napigilan maging emosyonal ng isang senior citizen dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno.

Nalaman ng KAMI na laging wala ang pangalan niya sa listahan ng mga benepesyaryo ng social amelioration program.

Ayon sa ulat ng DZMM TeleRadyo, anim na beses nang pabalik-balik ang 62 anyos na si Nanay Cecil upang kunin ang ayuda sa Barangay Payatas.

Kwento niya, isa siyang manicurista kaya apektado ang kanyang hanapbuhay ngayong may enhanced community quarantine sa bansa, maging ang asawa niya ay nawalan din ng trabaho.

“Tapos ‘yung iba na ngayon lang kumuha, ngayon din nakakuha. Unfair naman ‘yun sa mga naghihintay, naapektuhan ang trabaho, ‘di ba?” sabi ni Nanay Cecil.

“Kaya nga nakakasama ng loob. May paupahan, may pension, nakakuha. Sa katulad naming isang kahig isang tuka, wala? ‘Di ba? Masakit sa kalooban namin,” dagdag niya pa.

Samantala, ayon naman sa ulat ng Philippine Star, ilang residente ng Barangay Payatas ang dala-dala pa ang kanilang mga sanggol habang nakapila para kumuha ng ayuda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na inanunsyo na ng Palasyo na ang Metro Manila ay sasailalim na sa modified enhanced community quarantine simula ika-16 ng Mayo.

Maraming mga lugar din ang isinailalim sa general community quarantine at ang iba nga ay tinanggalan na ng ECQ at GCQ.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our new episode features a unique challenge: you have to guess the gibberish sentences and phrases! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel