Ang bait! Customer, binigyan ng bagong rubber shoes ang rider na sira-sira ang sapatos

Ang bait! Customer, binigyan ng bagong rubber shoes ang rider na sira-sira ang sapatos

- Nagpamalas ng malasakit ang customer sa delivery rider na laging kumukuha ng mga orders nila online

- Napansin ng mag-asawang customer na sira-sira na ang sapatas ng rider at ginamitan na lang niya ito ng tape

- Kaya naman, naisip ng mag-asawa na bigyan ng bagong rubber shoes ang delivery rider na ito

- Maging ang mga netizens ay naantig sa kabaitan ng mag-asawa sa lalaking naghahanapbuhay para sa pamilya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpamalas ng kabaitan ang isang customer sa delivery rider na lagi umanong kumukuha ng mga order nila online.

Nalaman ng KAMI na napansin ng customer na sira-sira na ang sapatos ng rider.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Zhang Wang, bumigay daw ang sapatos ng rider kaya nilagyan na lang niya ng scotch tape ito para kumapit.

“Si kuya, araw-araw nagppick-up saamin ng mga paorder namin online. Sobrang nakakaproud lang,” sabi ng netizen.

“Kahit sira na sapatos nya, go parin sa pagttrabaho para sa pamilya,” dagdag niya pa.

Kwento ng netizen, kumuha ang asawa niya ng rubber shoes na Airmax 270 dahil ito ang best seller nila. Binigay nila ang sapatos na ito sa rider. Labis naman ang tuwa nito sa kabaitan ng customer sa kanya.

“Sana napasaya ka namin kuya. Di ka na mahihirapan sa butas na sapatos mo,” sabi ng netizen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig naman ang mga netizens dahil sa malasakit ng mag-asawang customer sa delivery rider. Narito nga ang kanilang mga komento:

“Godbless you at thank you dahil naappreciate nyo po ang work ni kuya pra lng maihatid lahat ng paorders nyo”
“good job po sa inyung mag asawa godblessed ang saya ni manong”
“God bless po sa inyo maam&sir sana lahat ng may mga kaya sa buhay maging katulad nyo”
“Sana may mga taong katulad nyo mam sir ...napakasap basahin ramdam mo ang saya ..God Bless You Always”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our new episode features a unique challenge: you have to guess the gibberish sentences and phrases! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel