Pinay na taga-NCR, mas pinili ang simpleng buhay sa isla ng Siargao ngayong may quarantine

Pinay na taga-NCR, mas pinili ang simpleng buhay sa isla ng Siargao ngayong may quarantine

- Tampok sa social media ngayon ang isang Pinay dahil sa kanyang simpleng buhay ngayong may enhanced community quarantine

- Aniya, agad siyang pumunta sa isla ng Siargao nang malaman niyang magpapatupad ng ECQ sa NCR

- Mayroon daw siyang kaibigan na nakilala noon na pumayag patirahin siya nang libre muna rito

- Sa ngayon, hindi pa alam ng Pinay kung kailan siya babalik ng NCR dahil depende pa ito sa ECQ guidelines ng gobyerno sa mga susunod na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending sa social media ngayon ang isang Pilipina na mahilig mag-travel.

Nalaman ng KAMI na ang Pinay ay taga-National Capital Region (NCR), pero mas pinili niyang mamuhay muna sa napakagandang isla ng Siargao ngayong may enhanced community dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs, noong nalaman ni Ara Neyra na magpapatupad ng enhanced community quarantine sa NCR, agad siyang pumunta sa Siargao para doon muna manirahan.

Dahil mahilig siyang mag-travel, may nakilala na siyang kaibigan doon na pumayag patirahin muna siya nang libre. Aniya, tumutulong naman siya sa paghanap ng pagkain at mga gawaing bahay.

Sa loob ng kanyang halos dalawang buwang pamamalagi sa Siargao, iba’t-ibang activities na umano ang mga nagawa niya, tulad na lang ng pangingisda.

Sa ngayon, hindi pa siya siguardo kung kailan siya babalik sa NCR dahil depende pa ito sa magiging desisyon ng gobyerno sa enhanced community quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami namang mga netizens ang naaliw sa naging ‘island life’ ng Pinay sa Siargao. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Sa panahon ng covid 19 mas masarap pa tlga sa provincia tumira sariwa ang hangin di dikit dikit ang bahay di katulad sa city”
“Good decision!! Sana we did the same thing. Anywhere near the sea.”
“Ay wow. Sana all”
“Ako rin gusto ang ganyang buhay”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel