Pinakabatang COVID-19 survivor sa Pinas, muli na namang na-ospital

Pinakabatang COVID-19 survivor sa Pinas, muli na namang na-ospital

- Balik ospital na naman ang 16-day-old na sanggol na si Baby Kobe matapos makaligtas sa coronavirus

- Siya ang pinakabatang COVID-19 survivor na nalagak sa National Children's Hospital sa loob ng 11 na araw

- Ngunit makalipas ang dalawang linggo mula nang magnegatibo sa virus, komplikasyon naman sa kanyang pagdumi ang kinahaharap ng sanggol

- Humihingi ng tulong ang pamilya niya lalo na at walang trabaho ang kanyang amang construction worker ngayon na nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagdiwang nang maka-recover at makalabas na ng ospital si Baby Kobe na tinaguriang pinakabatang COVID-19 survivor.

Ngunit, nalaman ng KAMI na balik-ospital na naman ang sanggol dala ng ilang komplikasyon sa kanyang tiyan at hindi ito makadumi ng maayos.

Base sa panayam ng ABS-CBN sa ama ng sanggol na si Ronnel Manjares, sumama ulit ang pakiramdam ng kanyang anak ilang linggo matapos na makalabas sa ospital.

Lumalaki raw ang tiyan ni Baby Kobe pag ito ay kumakain at hindi rin niya nailalabas ang kanyang dumi. Dahil dito, kritikal daw muli ang lagay ng sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napansin na raw umano ito ng doctor na tumingin sa sanggol at agad naman daw itong gumaling at nawala rin ang sintomas nito noong nasa ospital pa lamang siya.

Dahil dito, balik National Childrens' hospital si Baby Kobe kung saan siya noon nalagak ng 11 araw ayon sa Rappler.

Nananwagan naman si Ronnel sa mga may mabubuting puso at nakakaluwag dahil wala umano siyang trabaho ngayon bilang construction worker dahil sa enhanced community quarantine.

Maluha-luha itong dumulog sa publiko at panibagong dagok na naman ang kanilang haharapin sa muling pagpapagamot ni Baby Kobe.

Ayon sa Department of Health, isa si Baby Kobe sa nasa 50 na sanggol na tinamaan ng COVID-19.

Mas mahirap ang mga kalagayan nito dahil ihihiwalay pa rin ito sa kanyang mga magulang sa buong proseso ng gamutan lalo na minsan na siyang naging isang COVID-19 patient.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel