Frontliner na positibo sa COVID-19, tumakas sa ospital at dumalo sa isang party

Frontliner na positibo sa COVID-19, tumakas sa ospital at dumalo sa isang party

- Isang frontliner sa Tagbilaran City ang tumakas sa ospital at dumalo sa birthday celebration ng kanyang ina

- Lumabas din na positibo siya sa COVID-19 mula sa test na isinagawa sa kanya noong Biyernes

- Ayon sa alkalde ng kanilang lugar, kahit pa maging negatibo ang resulta ng COVID test na isinagawa sa frontliner, hindi raw nararapat na umalis ito ng ospital dahil naka-strict quarantine daw dapat ito

- Malaki kasi ang posibilidad nitong mahawa dahil siya mismo ay isa sa mga humaharap sa COVID-19 patients ng kanilang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang frontliner sa Tagbilaran City ang lakas-loob na tumakas sa ospital para dumalo sa isang party.

Ayon sa alkalde ng naturang lungsod na si Mayor Baba Yap, birthday celebration daw umano ng nanay ng frontliner ang dinaluhan nito.

Sumailalim pala ito sa polymerase chain reaction (PCR) test noong Biyernes, Hunyo 12 at lumabas na positibo ito sa COVID-19.

Agad naman daw itong bumalik sa ospital kung saan siya nagtatrabaho pagkatapos ng dinaluhang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gayunpaman, ang isang frontliner na humaharap mismo sa mga pasyenteng kumpirmadong may COVID-19 ay nararapat lamang na naka-strict quarantine.

Kadalasan na rin silang nananatili sa ospital upang maiwasang makapagdala pa ng virus sa labas.

Ayon naman sa LGU ng Panglao, sa lugar kung saan dumalo ng party ang health worker, agad silang nagsagawa ng contact tracing sa lahat ng posibleng nakahalubilo nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“This COVID-19 positive individual is not a resident of the Municipality of Panglao. However, his/her mother is momentarily residing at Barangay Bil-isan. The mother celebrated her birthday recently together with close associates including her child who is COVID-19 positive individual, hence inter-personal interactions occurred,” pahayag ng Panglao Local Government Unit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel