Kapatid ng frontliner na namatay dahil sa COVID-19, emosyonal na naglabas ng saloobin

Kapatid ng frontliner na namatay dahil sa COVID-19, emosyonal na naglabas ng saloobin

- Isa na namang fronliner ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19

- Masakit para sa kanyang kapatid ang nangyari lalo pa at pumanaw ito sa serbisyo

- May pakiusap din siya sa publiko lalo na at marami nang naibubuwis na buhay ang mga health workers sa pagtulong at pag-aaruga nila sa mga COVID-19 patients

- Nagpasalamat din siya sa mga taong nagdasal at sumuporta sa laban ng kanyang kapatid at hindi rin iniwan ang kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ng isang nagpakilalang kapatid ng frontliner na pumanaw sa COVID-19.

Binahagi ng netizen na si Mark Duque ang naging laban ng kanyang kapatid na si Elvies Austria Duque kontra COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang nurse sa Maynila si Elvies at simula nang lumaganap ang COVID-19 sa naturang siyudad, isa na siya sa mga nasa frontline.

Masakit para sa pamilya ni Elvies na patuloy pa rin itong tumutugon sa tungkulin sa kabila ng banta ng nakamamatay na virus.

At kalaunan ay nagpositibo na rin ito sa virus kaya nabawasan na naman ang mga health workers na buwis-buhay na nangangalaga sa mga COVID patients.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang araw bago pumanaw si Elvies, nagawa pang mag-post ng kanyang kapatid at humihigi ng dasal para sa paggaling niya.

Ngunit noong Mayo 6, tuluyan nang namaalam ang isa na namang maituturing na bayani sa laban natin kontra COVID-19.

Muling nagpost si Mark at hindi niya naiwasang himukin ang publiko na manatili pa rin sa mga bahay upang mapigilan na ang pagkalat ng virus.

"Pakiusap, mula sa isang kapatid na nagsusumamo at nagdadalamhati, support our frontliners by staying home, they want to go home to their families, allow them to live. Please," ang pagsusumamo niya sa mga nakakabasa ng kanyang post dahil labis na masakit para sa kanila ang pagkawala ng kanyang kapatid.

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin siya sa mga taong nagdasal para sa paggaling ni Elvies at sa mga taong sumuporta sa kanilang pamilya sa panahong dumoble ang pagsubok na kanilang kinahaharap.

"Kuya is at rest now, pray for him, pray for my family. We love you dearly, Kuya Elvies. Hanggang sa muli..." pagtatapos ng emosyonal na post ni Mark.

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre |

Source: Kami.com.ph

Online view pixel