'Lalamove prank' ng isang vlogger, umantig sa puso ng netizens

'Lalamove prank' ng isang vlogger, umantig sa puso ng netizens

- Mabilis na nag-viral ang video ng isang lalaking nagawang "mag-prank" na iyon pala'y magbibigay ng tulong

- Nagpanggap ang vlogger na isang rider upang makahingi kunwari ng tulong sa kapwa niya delivery man

- Kahit na kapos, nakuha pa rin ng delivery man na magbigay ng ₱50 sa lalaki bilang tulong

- Kaya naman laking gulat niya nang bumalik ang lalaki upang isauli sa kanya ang pera at binigyan pa siya ng magandang klase ng helmet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena online ang pagtulong ng isang vlogger sa nadaanan lamang niyang delivery rider.

Sa video ng JayTVKatagumpay, makikitang nagkunwari ang vlogger na isa ring delivery man na kinapos ng dalang pera.

Humingi siya ng tulong sa nadaanang delivery rider at sinubukan niyang humirit ng ₱100.

Nalaman ng KAMI na kalalabas pa lamang umano ng delivery rider at wala pa halos siyang kita.

Ngunit hindi naman niya tinanggihan ang vlogger at binigyan pa rin niya ito ng ₱50 bilang tulong.

Hindi rin inakala ng vlogger na sa kabila ng kakapusan, ay aabutan pa rin siya ng pera ng rider kahit hindi ito ang eksaktong halaga na kanyang hinihingi.

Nagkunwari ulit ang vlogger na umalis ngunit para umikot lamang nang hindi agad makahalata ang rider.

Nang bumalik, nagulat ang rider nang isinasauli na ng vlogger ang perang hiniram.

Hindi lamang iyon, dahil sa kabutihang pinakita ng rider sa vlogger, ibinigay nito ang kunwaring package na kanyang idedeliver.

Isa pala itong magandang klase ng helmet na magagamit ng rider, umulan man o umaraw.

Napansin din kasi ng vlogger na hindi magandang klase ang helmet ng rider kaya naman eksakto na ito ang napili niyang tulungan.

Sa bandang huli ng kanyang video, iniwan niya ang katagang "Totoo... kung sino pa yung wala, sila pa yung handang tumulong"

Dahil dito, maraming netizens ang naantig sa ginawa ng delivery rider at ng pagtulong ng vlogger sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Iba talga pag may mabuting puso.salamat sir..God bless u more.marami p ring mabubuting tao..Salute!"
"Naluha naman ako dto.. Bigla ako kinilabutan, God blees sa inyo"
"Yung scene na kht wla pang kita si tatay e ngbgay sya dun plng naluha na ko e..The best tlga kayo prehas kayo..ang galang pa ni tatay mkipag usap..Godbless to the both of you .."
"Galing.. totoo naman.. minsan kung sino pa yung walang wala sa buhay sila pa yung napakamatulungin sa kapwa o kaya napakabuting tao,sana lahat ng tao tulad mo.. isang magandang ehemplo at isang napakabait na tao,di nag alinlangan tumulong sa kapwa.."
"Nakakataba ng puso, naransan kase natin ang walang wala kaya alam natin pakiramdam. God bless and salute."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel