ER nurse na tinamaan ng COVID-19, na-video ang sarili mula day 1 hanggang siya'y pumanaw

ER nurse na tinamaan ng COVID-19, na-video ang sarili mula day 1 hanggang siya'y pumanaw

- Matapang na nai-dokumento ng isang ER nurse ang kanyang kalbaryo sa pakikipaglaban sa COVID-19

- 30 taong ER nurse si Pamela Orlando at sa kasamaang palad, sa pagseserbisyo rin niya nakuha ang virus na kikitil sa kanyang buhay

- Mula unang araw nang makumpirma niyang nagpositibo siya sa COVID-19 hanggang sa kanyang huling araw, nakunan niya ito ng video upang ipakita sa publiko na hindi biro ang pagdadaanan kung magkaroon ng naturang virus

- Pumanaw si Pamela dalawang oras matapos na payagan ng ospital ang kanyang mga anak na makita siya sa huling pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na nai-dokumento ni Pamela Orlando ang lahat ng kanyang dinanas sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Binahagi ng In the Know ang video ni Pamela na kanya raw ginawa upang maipakita sa publiko na hindi biro ang magkaroon ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na inakala niyang kaya niyang alagaan na lamang ang sarili sa kanilang bahay.

Ngunit tumagal lamang ito ng dalawang araw dahil sa ikatlong araw, mas lalong tumitindi ang hirap na kanyang nararamdaman.

Pag-ubo at lagnat ang mga unang sintomas na kanyang naramdaman.

Lumilipas ang mga araw at dumagdag pa ang pananakit ng kanyang likod at kalaunan ay ang buong katawan.

Hanggang sa dumating na rin sa puntong hirap na siyang huminga lalo na kung siya ay kikilos.

Sa tagal, may video siya na tila hindi na niya alam ang oras at araw at lumalala na rin ang kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tatlong linggo rin siyang namalagi sa ospital. At nang mapansin ng kanyang mga doktor na tila hindi na kakayanin ni Pamela, pinahintulutan ang kanyang mga anak na makapagpaalam sa kanya.

Siniguro lamang na nakasuot ang mga ito ng personal protective equipment at makalipas ang dalawang oras, binawian na rin ng buhay si Pamela.

30 taon din sa serbisyo ang 53 taong gulang na si Pamela bilang nurse. Naalulungkot isipin na ang lugar kung saan itinuring na rin niyang ikalawang tahanan ang lugar kung saan niya nakuha ang virus na babawi sa kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel