Isang lalaki, dismayado dahil wala pala sa listahan ang pangalan matapos pumila ng 18 oras

Isang lalaki, dismayado dahil wala pala sa listahan ang pangalan matapos pumila ng 18 oras

- Bigo ang isang lalaki matapos niyang pumila nang matagal para kumuha ng ayuda sa lokal na pamahalaan

- Simula alas-5 pa lang ng umaga ay naka-pila na siya kasama ang iba pang daan-daang residente

- Subalit, 11 na ng gabi niya nalaman na wala raw ang pangalan niya sa listahan ng mga benepisyaryo

- Samantala, pinayagan naman ang mga lokal na pamahalaan na mamigay pa rin ng ayuda hanggang sa mabigyan ang lahat ng benepisyaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki ang umuwing bigo dahil wala ang kanyang inaasahan na pera mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nalaman ng KAMI na daan-daang mga residente ng Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City ang pumila sa huling araw dapat ng bigayan ng ayuda.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, alas-5 pa lang ng umaga ay nakapila na si Joel Samoraz para kumuha ng cash assistance. Pero 11 na ng gabi niya nalaman na wala pala sa listahan ang pangalan niya.

“Ewan ko na. Sayang lang lahat pagod ko. Wala namang nangyayari,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na umabot na ng hatinggabi ang bigayan ng ayuda sa ilang barangay ng Quezon City dahil sa sobrang haba ng pila ng mga tao.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari mamigay ng ayuda ang mga lokal na pamahalaan hanggang sa matapos nilang maipamigay lahat.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel