Angel Locsin, binati si Miko Sotto sa kaarawan nito

Angel Locsin, binati si Miko Sotto sa kaarawan nito

- Inalala ni Angel Locsin ang kanyang yumaong ex-boyfriend sa araw ng kapanganakan nito

- Ibinahagi ng aktres ang litrato ng puntod ng dating matinee idol na si Miko Sotto

- Matatandaang pumanaw ang aktor sa edad na 21 matapos itong mahulog sa isang gusali

- Hindi kinakaligtaan ni Angel na batiin ang dating nobyo tuwing kaarawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling inalala ni Angel Locsin ang dating matinee idol at kanyang ex-boyfriend na si Miko Sotto sa araw ng kapanganakan nito. Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ng aktres ang kanyang pagbati kasabay ng pagbahagi ng litrato ng puntod nito.

Pumanaw ang aktor noong December 2003 sa edad na 21 matapos itong aksidenteng mahulog sa isang gusali. Hindi kinakaligtaang batiin ng aktres ang yumaong nobyo tuwing sumasapit ang araw ng kapanganakan nito taon-taon.

Noong 2013, inilarawan ni Angel ang pagpanaw ni Miko bilang pinakamalungkot na araw sa kanyang buhay.

Angel Locsin, binati si Miko Sotto sa kaarawan nito

Angel Locsin, binati si Miko Sotto sa kaarawan nito
Source: Instagram

Ayon sa mga ulat, anim na buwan nang magkarelasyon ang dalawa nang mangyari ang aksidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Miko Sotto ay anak ng singer/actress/radio commentator/TV host na si Ali Sotto.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce at nakatakda silang magpakasal ngunit naudlot dahil sa COVID-19.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

COVID-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel