Video ng aktwal na pamamaalam ng ina sa anak na nasa UK at pumanaw sa COVID-19, viral

Video ng aktwal na pamamaalam ng ina sa anak na nasa UK at pumanaw sa COVID-19, viral

- Binahagi ng pamilya ni Kenneth Lambatan video ng huling pamamaalam ng mga ito sa kanya

- Pumanaw si Kenneth noong Abril 27 dahil sa COVID-19 na pinaniniwalaang nakuha niya sa pagiging isa sa mga frontliner ng ospital kung saan siya nagtatrabaho sa United Kingdom

- Masasabing maswerte kahit na paano ang pamilya ni Kenneth dahil sa pamamagitan ng video call, nakita pa siya sa huling pagkakataon ng kanyang mga mahal sa buhay

- Labis na nakakadurog ng puso ang mga huling mensahe ng ina para kay Kenneth na noo'y nag-aagaw buhay na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naiyak nang mapanood ang video ng pamamaalam ng pamilya ni Kenneth Lambatan sa kanya habang siya ay agaw-buhay dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang nurse si Kenneth sa United Kingdom at isa siya sa naatasang maging frontliner sa ospital na pinapasukan.

Base sa kwento ng kanyang kapatid na si Ezel sa programang Frontliners, naikwento nito na tila pinipigilan pa ng kanilang ina si Kenneth na tanggihan na lamang umano ang pagiging isa sa mga frontliners ng ospital laban sa COVID-19.

Ngunit giniit ni Kenneth na ito raw ang kanyang sinumpaang tungkuling kaya naman hindi niya ito natanggihan.

Ilang araw lamang ang lumipas, kinakitaan na siya ng sintomas ng COVID-19.

Mabilis ang pangayayari at nalagak na siya sa ICU kung saan nalagyan na rin siya ng tube support.

Kritikal ang lagay ni Kenneth at halos hindi makapaniwala ang malapit niyang kaibigan na si VIa na isa ring nurse sa sinapit nito.

Laking pasalamat din ng pamilya Lambatan at isang Pinay nurse ang naatasang tumingin kay Kenneth.

Doon nakikita nila sa pamamagitan ng isang app ang lagay nito.

Sa naunang nai-ulat ng KAMI, nagawa pa umanong kantahan at dasalan ng ina ang anak na si Kenneth upang maibsan ang bigat na dinaranas nito dala ng karamdaman.

At nang dumating na ang araw na tila ayaw nilang dumating, pinayagan naman na papasukin si Via bilang nurse din naman ito upang mamaalam sa kaibigan.

Doon nakapagpaalam din ang pamilya ni Kenneth sa kanya sa pamamagitan ng video call.

Masasabing maswerte sila kahit na paano at sa huling sandali, nakita nila ang lagay ng mahal nila sa buhay na nakipaglaban sa COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa lamang si Kenneth sa nasa 2,000 mga OFW na tinamaan ng COVID-19.

Sa ngayon, nag-set-up na ng fund raising page ang kaibigan ni Kenneth para sa naiwang pamilya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel