Bonding moment ng mag-inang Pauleen Luna at Tali, kinaaliwan ng netizens

Bonding moment ng mag-inang Pauleen Luna at Tali, kinaaliwan ng netizens

- Kinaaliwan ng netizens ang video ng kulitan ng mag-inang Pauleen Luna at Tali Sotto

- Makikitang hinahayaan ni Pauleen ang anak na sulatan nito ang mukha niya gamit ang eyebrow pencil

- Marami ang naaliw sa bibong anak nina Pauleen at Vic Sotto na ngayon ay 2 taong gulang na

- Pinakita din nila ang husay ni Tali sa pagbilang sa iba't-ibang lenggwahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng netizens ang kulitan ng mag-inang Pauleen Luna at Tali Sotto. Makikita sa isang Facebook video na ibinahagi ng Solid Dabarkads FB page ang pakikipaglaro ni Pauleen sa anak.

Hinayaan niyang sulatan siya sa mukha ng kanyang anak gamit ang eyebrow pencil. Maging si Tali ay makikitang gumuguhit sa sariling mukha sa harap ng salamin.

Bibong-bibo itong sumagot sa mga tanong ng TV host-actress tungkol sa mga animal sounds.

Kinabiliban din ng netizens ang pagbibilang ni Tali sa apat na iba't-ibang lenggwahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbilang siya sa wikang Tagalog, Spanish, Chinese at English. Marami ang napabilib dito dahil sa kanyang edad na 2 taong gulang ay marami na itong alam.

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Sa naunang ulat ng KAMI, viral sa social media ang birthday greeting ni Pauleen sa kanyang sister-in-law na si Danica Sotto.

POPULAR: Read more about Pauleen Luna here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

COVID-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel