35-anyos na influencer sa Russia, ibinahagi ang relasyon sa kanyang stepson

35-anyos na influencer sa Russia, ibinahagi ang relasyon sa kanyang stepson

- Isang Russian blogger ang ngayon ay lumilikha ng ingay sa social media

- Ito ay matapos niyang inanunsiyo ang relasyon niya sa kanyang stepson

- Inalagaan niya ang batang lalaki simula noong 7 taong gulang pa lamang ito

- Marami naman ang hindi natuwa sa pakikipagrelasyon ng influencer sa kanyang stepson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaplano na ng kanilang kasal ang isang Russian blogger sa kanyang stepson matapos ma-divorce ang kasal niya sa ama ng kanyang karelasyon.

Inalagaan niya ang kanyang mapapangasawang si Vladimir simula nang siya ay 7 taong gulang pa lamang. Ngayon ay 20 anyos na ito.

Ibinahagi ng 35-anyos na si Marina Balmasheva sa Instagram ang isang collage na nagpapakita ng kanilang litrato na kuha mula noong pitong taong gulang pa lang ang kanyang stepson.

Dahil dito ay umani ng mga negatibong reaksiyon ang Instagram post ng influencer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“You never know how life will turn out and when you will meet a person who makes you smile,” ani Balmasheva sa nasabing post na isinalin sa Ingles.

“I know that some will judge us, others will support us, but we are happy and wish you to be as well.” aniya.

Ayon sa ulat ng news.com.au, dumami ang followers ng blogger matapos niyang ibahagi ang kanyang weight loss journey.

Kasalukuyan nang pinaplano ng dalawa ang kanilang kasal at balak nilang magkaanak.

22 taong gulang lamang si Balmasheva nang ikasal siya sa ama ni Vladimir. Nagsama sila sa loob ng sampung taon bago tuluyang nagkahiwalay.

Napag-alaman umano ng kanyang asawa ang tungkol sa kanilang relasyon nitong Marso ngayong taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

COVID-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel