Dating ABS-CBN reporter Rep. Sol Aragones, naiyak sa pagsasara ng istasyon

Dating ABS-CBN reporter Rep. Sol Aragones, naiyak sa pagsasara ng istasyon

- Hindi napigilan na maglabas ng saloobin ng dating ABS-CBN reporter na si Sol Aragones nang kapanayamin siya tungkol sa pagsasara ng estasyon

- Kasalukuyan nang mambabatas ng ikatlong distrito sa Laguna si Aragones na labis na nagulat sa kautusan ng NTC para sa Kapamilya network

- Ayon kay Aragones, ang istasyon ang bumuhay sa kanya at sa kanyang pamilya sa loob ng 13 taon

- Ito rin daw umano ang bumuo sa kanyang mga pangarap dahil hindi raw niya maaabot ang kanyang kinalalagyan ngayon kung hindi dahil sa paghahasa sa kanya ng minamahal niyang istasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang luha at emosyon ng dating ABS-CBN news reporter na si Sol Aragones nang kapanayamin siya tungkol sa pagsasara ng naturang istasyon.

Nalaman ng KAMI na isa na ngayong mambabatas ng ikatlong distrito ng Laguna si Aragones na tumatanaw pa rin ng malaking utang na loob sa istasyong humasa sa kanya.

Umiiyak na sinabi ni Aragones na napakasakit para sa kanya ang sinapit ng istasyon at labis niyang ikinagulat ang kautusan ng NTC sa Kapamilya network.

Ito raw kasi ang bumuhay sa kanya at sa kanyang pamilya sa loob ng 13 taon.

Sinabi rin niyang hindi niya maaabot ang kanyang kinalalagyan ngayon kung hindi dahil sa paghubog sa kanya ng kilalang istasyon.

Nag-aalala rin umano siya sa 11,000 mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa automatic shutdown ng network nitong Mayo 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Rep. Aragones ng DZMM Teleradyo.

Si Sol Argones ay nagserbisyo bilang news reporter ng ABS-CBN News and Current Affairs mula 1998-2012.

Nilisan lamang niya ang istasyon dahil sa pagtahak niya ng panibagong karera at ito ay ang pagsisilbi sa kanilang lalawigan sa Laguna.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel