Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, lumagpas na sa 4 na milyon

Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, lumagpas na sa 4 na milyon

- Lagpas na sa 4 na milyon ang positibong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

- Ito ay ayon sa AFP tally nitong Sabado mula sa mga official sources

- Ang pinakamaraming kaso ay nagmula sa Amerika na umabot sa 1,305,544

- Marami sa mga bansa ang nag-sasagawa lamang ng test para sa mga malalang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumagpas na sa 4 na milyon ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Ito ay ayon sa tally ng AFP mula sa mga official sources.

Umabot na sa 4,024,737 kaso ang naitala sa buong mundo. 1,375,854 ang naitalang recoveries at 279,313 ang nasawi.

Pinakamalalang apektado ang bansang Amerika na mayroon nang 1,344,128 na kaso at 79,707 ang nasawi.

Europe naman ang pinaka apektadong kontinente. Ang bilang na ito ay nakuha lamang sa national authorities and information mula sa World Health Organization (WHO).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ito tiyak na tama dahil karamihan sa mga bansa ay nagsasagawa lamang ng test sa mga malalalang kaso.

Sa kasalukuyan umabot na sa 10,794 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas. 1,924 dito ang gumaling na at 719 ang naitalang nasawi.

Ang COVID-19 o coronavirus disease 2019 ay unang nakilala sa tawag na NCOV. Matatandaang unang naiulat ang kaso ng misteryosong "sakit" sa Wuhan, China. Pinaniniwalaang galing ang virus sa mga hayop na binibenta sa isang palengke sa nasabing lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel