Mga graduates sa isang graduation ceremony, nagsalitan sa paggamit ng mask

Mga graduates sa isang graduation ceremony, nagsalitan sa paggamit ng mask

- Umani ng pambabatikos ang isang paaralan matapos makuhanan ng video ang kanilang graduation ceremony

- Makikita sa nasabing video ang pagpapagamit ng iisang mask sa mga estudyante tuwing kukuhanan sila ng litrato

- Dahil sa pagsuspende ng mga klase, maraming mga activities ng paaralan ang kinailangan i-pagpaliban

- Nauna nang inanunsiyo ng Kagawaran ng Edukasyon na nakatakdang muling magbubukas ang klase sa darating na August 24

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ng graduation ng isang paaralan ang umani ng pambabatikos dahil sa ginawa nilang pagpapagamit ng iisang facemask sa mga estudyante.

Marami ang umalma dahil maaring malagay sa panganib ang mga bata sa ganoong pamamaraan dahil maaring kumalat ang virus sa nagamit nang face mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Facebook post ng Brigada News FM Bicol, kuha ang nasabing video sa isang paaralan sa Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing viral video ay mayroon nang daan-daang shares at views. Umani ito ng samot saring reaksyon mula sa mga netizens dahil sa kapansin-pansing pagpapalit-palitan ng face mask ng mga estudyante.

Narito ang mga reaksiyon ng ilang netizen:

Dios ko nmn madam!!!... maawa naman po kayo sa mga bata... anong klase utak po mayroon kayo... teacher k nmn po alam ninyo lahat yan... 1 face mask pr sa isang tao lang at bawal gamitin ng iba... pano pala halimbawa 1 isa jn ang may virus sa ginagawa nyo po kayo ang nagpahamak sa lahat ng mga bata jan
Sana di nlng ngpamask o Kya cnbhan nlng mgkanya kanya mg mask ☹️so disappointed po ma'am
Hindi po kasama ang face mask sa costume ng graduation, kya po dapat nka face mask ang mga bata ay pra may proteksyon sa virus.. ang nangyari yung face mask pa ang magpapahamak sa mga bata dahil sa kanilang kagagawan.
Ipagdasal nyo nlang mga ma'am na sana walang may virus sa mga batang pinagsuot nyo ng isang face mask lng pra sa lahat

Matatandaang sinuspinde ang klase noong Marso matapos isailalim sa community quarantine ang Metro Manila at iba pang mga lalawigan.

Kaugnay nito, inanunsiyo ng DepEd na muling magbubukas ang klase ngayong August 24.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel